Chapter 5: Was it Him?

4K 108 22
                                    

"Ashely, pwede bang ikaw nalang ang magpa-enrol sakin? Wala ako sa mood eh,"

Nakahiga parin ako sa kama ko. Si Ashely naman ay nag-aayos na papuntang school. Start na kasi ng enrolment para sa 1st Semester eh.

"Bruha ka, tumayo ka jan! Sasama kang magpaenrol! Kung makapag-utos!" nakapamaywang pa siya nyan, ha.

"Ikaw nalang. Ayokong pumunta baka magkita kami ng Knight na yun eh,"

"Pano nga pala ang bracelet mo? Sa kanya nalang yun, ganun?"

Napabalikwas naman ako ng bangon, "Ay, oo nga pala. Sige maliligo lang ako. Hintayin mo ko ah."

Nagmadali na akong pumunta sa CR. Nakalimutan ko nasa kanya pala ang bracelet ko. Tsk.

"Dalian mo para makatapos tayo ng maaga! Magsa-shopping pa tayo eh,"

"Oo na!"

------

"Walang hiyaaaaaaaaa! Nag-text pa sa 'kin ang unggoy na magkikita kami, di pa sumipot!! Nilamok na ako't lahat!!" reklamo ko kay Ashely habang naglalakad.

Gumagala kami ngayon sa mall. Tapos na kasi kaming magpa-enroll kanina.

Binadtrip pa ako ng Knight na yun. Sabi niya magkikita daw kami sa roof deck para isole yung bracelet ko kaso walang unggoy na nagpakita!

I knew it! It was too good to be true!

"ARGH!!"

"Hoy, wag ka ngang ganyan, Jenna. Nakakahiya sa mga tao oh. In case you forgot nasa mall PO tayo!"

"Nakakainis na kasi eh!"

"Tsaka mo nalang kunin ang bracelet sa kanya. Mag-enjoy na muna tayo, okay?"

"Tulungan mo naman akong kunin sa kanya ang bracelet ko oh," sabay pout pa ako.

"Try ko ang powers ko,"

"Wag mong i-try, gawin mo!!"

"Oo na nga! Kulit."

"Ah, nga pala, natawagan mo na ba si Charmaine? Pupuntahan niya ba tayo dito?"

Wagas din akong makapag change ng topic eh.

Si Charmaine ang sinasabi kong isa pang bestfriend ko.

Simula High School, lagi na kaming magkakasamang tatlo kaya lang sa ibang school na nga siya nag-aaral kaya nagkahiwalay kami. Gusto niya daw kasi maiba.

"Sabi niya parating na raw siya. Oh, ayan na pala siya eh..."

Nakita namin si Charmaine na tumatakbong papalapit sa kinatatayuan namin ni Ashely.

Parang nag-i-'slow mo' pa ang loka. Ang drama niya ha.

"Baklaaaaaaa!! Owemgee. Kamusta na kayo? Ang gaganda nyo na, ah! Grabe, na-miss ko kayo ng sobra! Minadali ko pa yung driver ng taxi para lang makaabot ako dito n—"

Bago pa ipagpatuloy ni Charmaine ang pagkikwento niya sa mga naranasan niya ngayong araw na ito, tinakpan na ni Ashely ang bibig niya. Ang daldal naman kasi eh.

"OA na masyado teh! Parang di tayo nagkikita pag weekends ah," Ashely

"Sus! Namiss ko lang talaga kayo. Ano, san tayo ngayon? Tara dun tayo sa Shakeys. Nagugutom na kasi ako eh. My treat."

At dahil sa likas na matakaw si Ashely, siya pa ang nagpatiunang maglakad papuntang Shakeys.

Aysows! Mayaman naman siya eh, bat gustong-gusto niyang magpalibre?

After naming mag-Shakeys pumunta na kami sa mga pamilihan ng damit. Grabe, namiss ko 'tong mga ganito. Mga kulitan namin, tsismisan habang namimili ng damit, tawanan.

Jusko, pati ang pagki-kwento ng mga lablyp ng dalawa sinali pa.

Hello? Di ba nila ako nakikita? Alam naman nilang ayoko sa mga ganung topic eh! Naaalala ko na naman si—

Napahinto ako sa pamimili ng damit at napatuon dun sa lalaki sa labas ng boutique.

Nakatalikod siya pero parang pamilyar siya sakin.

Parang...

"Eto Jenna oh, bagay sayo 'tong red." Sabi ni Charmaine habang inaabot sakin yung damit.

Oo nga. Sukat mo dali!!" Ashely

"Jenna, bat nakatulala ka jan?" Charmaine

"Si—"

" Ano bang nagyayari sayo ha?" Ashely

"P-parang.. P-parang nakita ko si...."

Nakatingin parin ako sa labas ng boutique kung saan nakatayo ang lalaking yun.

The man was tall with broad shoulders. He had short blond hair, wearing a dark blue varsity jacket.

"Sino?"

Sinundan din naman nila ang tingin ko pero parang hindi nila yun nakita dahil umalis din yung lalaki.

The color of his hair, the jacket... He reminds me of someone.

Even the way he moves. He really looks like...

napailing nalang ako.

"A-ah, eh... w-wala. Kalimutan nyo na,"

Nagtatakang pinagmamasdan lang nila akong dalawa pagkatapos ay nagkibit balikat at nagpatuloy na sa pamimili habang ako ay napako parin dito sa kinatatayuan ko.

Parang nakita ko si— Troy.

Ang lalaking una kong minahal.

Kahit tatlong taon na ang lumipas ay hindi ko parin nakakalimutan ang anyo nya.

Pero imposibleng siya yun eh. Ang alam ko, umalis na siya pagkatapos ng graduation namin. Hindi man lang kami nagkausap sa huling sandali.

Siguro namamalik mata lang ako...

Hay, kulang lang siguro ako sa tulog kakaisip kung paano ko kukunin kay Knight ang bracelet na binigay ni Troy sakin...

Ang tanging bagay na nagpapaalala niya sakin...

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon