Chapter 6: First Day

4.4K 106 24
                                    





Pasukan na.

Goodbye lazy mornings.

Goodbye being an owl for sleeping in the morning.

Let's meet again after March.



First day na ng first semester namin.

Hindi ko pa nga na-e-enjoy ang summer break eh tapos pasukan na agad? Hay.

Pumasok ako ng maaga-aga para makapamili ako ng mauupuan ko.

Pinili ko yung sa 3rd row at katabi ko si Ashely. Di naman hihiwalay sakin yan eh,

Marami-rami na ding estudyante ang dumating. May mga kakilala ko na, may ibang hindi ko pa talaga nakita ever. Di kasi ako mahilig pumansin ng tao eh.



"Ashely, dapat makuha natin kay Knight ang bracelet ko ngayon,"


"Gawa ka ng plano mo," Wala sa mood na sagot sa akin ni Ashely.

"Ano ka ba naman! Sabi mo tutulungan mo ko eh!" hinampas ko siya sa braso. Feel ko kasing maging bayolente eh.

"Sige, ako tiga gawa ng plano tapos ikaw na kumuha sa bracelet mo sa kanya ah. Sayo naman yun eh."


"Sige na, sige na. Ano, may naisip ka na?"


"Ano..."







Naputol ang kung ano mang sasabihin ni Ashely sa akin nang biglang umingay ang mga estudyante lalong-lalo na ang mga babae at nagsitakbuhan sa may pinto.

Tsismosa ako pero wala akong ganang maki-usyoso dun kaya dito na lang ako.



"Ashely, anong meron dun?" Tanong ko sa kanya habang nginunguso ang mga nagkukumpulang mga estudyante.

"Ewan ko nga din eh," sagot niya na nakatingin din sa may pinto.







"AAAAHHH,. Oh my Gosh!"

"Girl, Bat ang gagwapo nila? AAAAHH!! Hihimatayin na ako...."

"Owemgee. Classmate natin sila?! Hindi ko ata kakayanin to!!"

"Myghad, tatawagan ko friends ko para maglaway sila sa inggit. EEEE."







Ang iingay nila ha! Hindi ako makapag-isip ng mabuti eh! Sino ba kasi yang mga pinagtsi-tsismisan nila? Kairitaaaaaa.

Nagtaka naman ako nang biglang nagsi-alisan ang mga estudyante sa may pinto at naupo na.



Baka andyan na ang teacher namin.

Eh kung andyan na nga ang Prof namin, bakit nagtsi-tsimisan pa rin sila? May iba pang girls na nagpa-powder pa. Wow, ha.





Isip isip pa ako nang biglang may nahagip ang mata ko...





Standing outside the door of our classroom was a tall, like basketball tall guy, with shoulders wide enough to block any jump shot.

He had his shirt untucked, tie loose. He had a black beanie on and was wearing....

headphones?



Si Knight?!!

Hala, bakit siya papasok sa room ko?



Kinuskos ko pa mata ko at tiningnan ulit ng mabuti ang lalaki. Confirmed. Siya nga!

Bakit naman siya nandito?

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon