Chapter 13: Scary

3.7K 96 31
                                    

-JENNICA RAMIREZ POV-

Friday na!

Excited na talaga akong mag Saturday. Eh kasi naman eh, rest day ko yan. Araw ng pagpahinga ko sa hindi pagkita ko kay Knight at araw din ng paggala namin. Yuhoo!

Uwian na naman.

Ang bilis talaga ng araw. Mabuti naman.

Nauna ng umalis ang iba pang estudyante at kami nalang ni Ashely ang natitira dito sa loob ng room.

Nag-aayos na ako ng gamit at ipinasok na ang mga libro sa bag ko.

Baby you light up my world like nobody else. The way that you flip your hair gets me overwhelmed

Calling...

Dahil nagmamadali nga ako, hindi ko na tiningnan pa kung sino ang natawag. Sinagot ko nalang siya agad.

("Nasan ka?") bungad ng caller.

Uh oh! Masaya na nga ako eh. Bakit ba sa twing sasaya ako saka naman susulpot si Knight at papapangitin ulit ang araw ko? Istorbo sa social life tong walangyang lalaking to! Tss.

"Ahh..."

("Nasa campus ka pa ba?")

"W-wala. Wala na. K-kanina pa ako umalis eh."

I lied. Baka kasi may ipagawa na naman siya sakin.

("Sigurado ka?")

"Oo naman,"

("Bakit parang busy ka pa ata sa pagliligpit? I can see you from here.")

Anong...

Lumingon-lingon ako sa paligid. Chi-neck ko pa nga ang ilalim ng desk ko eh, baka sakaling nandun siya.

Pagtingin ko sa may pinto, nakita ko siya doon na naghihintay. Naibaba ko na ang phone ko pagkakita ko sa kanya.

Akala ko ba nakaalis na siya after ng last class? HINDI!

Lumapit si Knight sa 'kin at tinapon niya sakin ang parang metal na tumama pa sa noo ko. Feeling ko nagkabukol ako.

Pakshet kang unggoy ka!

"ANO BANG PROBLEMA MO?" Sigaw ko sa kanya.

Sana mabingi at magka brain damage na siya!

"Kala ko ba nakaalis ka na?"

"Eh sa akala ko nakalabas na ako eh!" para may masabi lang.

"Linisin mo ang buong gym ngayon," utos niya sakin.

"Talaga namang— ANO?!"

"I think you heard me."

"—Ng ako lang mag-isa? Eh, gago ka naman pala eh!"

Itinaas ko na ang sleeves ng uniform ko niyan na para bang ready na akong makipagsuntukan.

"Jenna, maghunos dili ka!"

Pinigilan ako ni Ashely.

Ay, nanjan pala siya? Buti naman nagparamdam siya.

"You're one overbearing, arrogant brute! UGHHHH!"

"YOU mad?"

Pang-aasar ni Knight sa 'kin nang nakangiting balasubas.

"Sure! I'M SO MAD I COULD FALCON PUNCH!"

"Bitiwan mo ko Ashely! Tuturuan ko lang ng leksyon 'tong unggoy na to!"

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon