Chapter 11: Meet the Team

3.8K 94 41
                                    





-KEVIN KNIGHT BUENAVIDEZ POV-



Tumunog na ang be hudyat na tapos na ang klase. Kinaladkad ko na si Jennica papuntang gymnasium.

Huh! Anong akala niya? Na makakalusot siya sakin sa lahat ng mga nagawa niya?

Kailangan niyang malaman kung sino ang binabangga niya.

Pagkarating namin sa gym, pinaupo ko muna siya sa bleachers.

Nakita naman siguro kami ng mga ka-team mates ko kasi lumapit sila. Kasama na dun si Kentt.

"Look who's here!" sigaw ni Marco.

Ang dakilang womanizer ng bayan. Ako ang nagbansag sa kanya nyan. Araw araw paiba-iba naman kasi siya ng babae.

"Siya yung babae Pre, diba?" tanong ni Steven.

Parang wala lang yan dito. May sariling mundo eh. Himala nga at nag-usisa.

"Oo. Alalay ko," Sagot ko naman sa kanya.

Napatingala si Jennica at tumingin sakin pero hindi naman siya nagsalita.

Napaatras ako dahil dinumog ng mga team mates ko si Jennica na para bang mga fans niya.

Bigla naman atang nakalimutan nila ang presensya ko?

Ngayon lang nakakita ng babae?

"Hi. Marco Guevarra's the name"

Babaero nga naman. Siya pa ang unang nagpakilala.

Dali-daling kinuha ni Marco ang kamay ni Jennica para makipag-shake hands.

B-A-W-A-L Y-A-N.

"Hi, I'm Jarren Elizalde," Pagpapakilala ni Jarren.

Nakiupo na din siya sa tabi ni Jennica sabay shake hands.

"Hello, I'm Lex"

"I'm Jake,"

"Dylan nga pala."

"Andrew here. Nice to meet you Jennica."

Pagpapakilala nilang lahat tapos nakipagkamay.

Namumuro na tong mga to ah.

Teka, bakit parang kulang kami?

Nagpalinga linga ako para hanapin ang iba ko pang mga kasama.

Nasa locker room pa ba sila?

Tiningnan ko ulit si Jennica.

Sa nakikita ko, parang hindi siya komportable na ang lahat ng atensyon ay nasa kanya.

Magawan nga ng paraan. Tinatakot nila masyado ang alalay ko eh.

"Hi, I'm Kentt Quijano"

Bago paman ako makalapit, nauna na si Kentt.

Pang-asar din 'tong isang to eh.

Anong drama nila? May pakilala pang nalalaman at shake hands pa.

Nangingiti pa sila sa isa't-isa at nagtitinginan na para bang sila lang ang tao sa mundo.

"Nandito ka pala, Jenna... Kaya naman pala parang may boses na nagsasabing lumapit ako dito eh,"

Mukhang tuwang-tuwa pa si Jennica nang dumating si Kentt.

"Alam mo pag nandyan ka, ang mata ko parang DSLR camera," pahabol pa niya.

"...."

"Ikaw lang ang naka-sharp focus tapos blurred na yung iba."

"AHEM!" Tikhim ko.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon