Chapter 16: Say my name

3.8K 78 28
                                    

Pumasok ako ng school ng maaga para makaiwas sa sermon ni Charmaine dahil sa ginawa ko daw kay Knight kahapon.

Mabilis kasing nakarating sa kanya ang balita eh. Naiwan ko tuloy si Ashely dahil sa sobrang pagmamadali ko. Hindi ko na din kasi matagalan ang pagkabungangera ni Charmaine.

Mabuti pa si Ashely kasi wala siyang ibang advice sa 'kin kundi ang layuan ko si Knight.

Bago pa ako pumasok ng room, dumaan na muna ako sa locker ko para ilagay itong mga gamit ko at kumuha ng mga books na gagamitin lang ngayong araw na ito.

Nagtaka pa ako kasi may bumungad sa 'king isang color blue na 'post it' na nakadikit sa loob.

Kinuha at binasa ko na siya. Curious eh.

Paano kaya napunta 'to dito?

Daily Horoscope:

Aries, Malas ka ngayong araw na ito.

Wow ha.

May libre na bang Daily Horoscope dito sa school tuwing umaga? Bakit ngayon ko lang ata nalaman yun? Tsaka grabe naman ang nakasulat. Tamang pagsira lang ng umaga ko eh.

Nagkibit-balikat nalang ako at sinara na ang locker. Ibinulsa ko ang post it saka naglakad na.

Palingon-lingon pa ako kasi naghahanap ako ng matatapunan ng walang kwentang Daily horoscope na ito eh.

"Ouchie! Ano ba?"

Napahawak ako sa balikat ko nang may bumangga sa 'kin. Nahulog lahat ng mga dala-dala kong gamit kaya dali-dali akong yumuko para kunin yun.

"Pwede ba, tumingin ka nga sa dinaraanan mo." Sigaw pa niya.

Pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang isang magandang babae na may tatlo pang kasama.

BS Tourism student, Princess Kiarra Andrade

Height: ?

Weight: ?

Syempre pangalan lang niya ang alam ko. Hindi ko na inalam ang buong profile niya. Ano ako? Tomboy o isang fan niya? That's ewwie.

Pero sure ako pink ang favorite color ng girl na ito. Nails, hair clip, bag, at notebook niya ay pink lahat eh. Kulang nalang buhok niya.

Kainis din 'tong babaeng ito eh. Pati pa ang tatlong kasama niya.

May pa ouchie ouchie pa siyang nalalaman. Eh parang mas nasaktan pa nga ata ako eh. Gawa ba siya sa metal?

Isa siya sa pinaka popular dito sa school kasi daw maganda siya, maputi 'tsaka sexy. Syempre para sa akin ordinaryong tao lang siya kasi lahat ng salitang nai-describe ko sa kanya ay meron din ako.

Kaya lang, lamang siya sakin ngayon kasi ma-cleavage eh. Pwede ba yan? Uniform niya kita cleavage? Pa Dean ko kaya siya?

"Pasensya ka na." Sabi ko nalang sa kanya tapos tumayo na ako.

Kahit naman hindi maganda ang turing ko kay Knight saka sa mga best friends ko minsan, mabait naman ako sa ibang tao. Ayaw ko kasing pumatol sa mga low class eh.

"Next time nga pumili ka ng taong BABANGAIN mo," sigaw pa niya na klarong klaro ang pagka-emphasize ng 'babanggain' na para bang may pinapahiwatig siya.

Pinandilatan muna nila akong apat bago umalis. Kainis! Kung di lang ako mabait eh, nakipag-sabunutan na ako sa kanya. Amp.

Bakit ba siya nagagalit eh obvious naman na siya yung bumangga sakin?

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon