Chapter 44: No issue

69 7 0
                                    


"Ano ba, kanina kapa nagmumukmok diyan. Hayaan mo na nga 'yong cellphone mo. Tiyak na may nakapulot na no'n." ani ni Ashely na nasa may paanan ng kama ko.

"Hindi mo kasi naiintindihan," simula ko habang inaalala kung saan ko naiwan ang cellphone ko.

Kaninang umaga lang ay kasama ko pa ito pero nang pauwi na ay doon ko nalaman na wala na pala ito sa bulsa ko. "The most upsetting thing about losing my phone is losing all of my wonderful selfies. Pati na din iyong sim card. Hindi na maibabalik ang lahat ng contacts ko doon." parang bata kong sabi.

"Pang ilang cellphone naba 'yon na nawala mo ngayong taon? Apat? Lima? Pagpasensyahan mo na kasi ang sarili mo, Jenna." dagdag pa ni Charmaine na kasalukuyang nakahiga sa kama ko.

Tinutulungan nila akong alalahanin kung saan ko huling nailagay ang phone ko. Sa totoo lang ay hindi talaga sila nakakatulong dito.

"Hindi ko naman memorize 'yong number ni Knight eh. Baka nag-aalala na 'yon sa 'kin. Sabi niya kasi una na raw akong umuwi kasi may practice pa sila para sa finals."

"Hindi na kami magtataka kung hindi mo memorize ang number niya." Makahulugang sagot ni Ashely. "Hindi mo nga magawang kabisaduhin ang mga numero mo kasi alam mong mangyayari talaga 'to."

"Tama!" sang-ayon pa ni Charmaine. "At saka, sa dinami-rami ba naman ng nawala sa 'yo, mahihirapan ka talagang i-memorize lahat kasi papalit-palit ka ng telepono."

Naimudmod ko nalang ang buong mukha ko sa unan. May point naman talaga silang dalawa.

Nasanay na kasi akong kung hindi masisira dahil nahulog sa timba na punong-puno ng tubig ang cellphone ko ay mananakawan, ma-ho-hold up o 'di kaya ay mawawalan ako dahil sa katangahan kaya hindi ko na minemorize 'yong mga numero ko. At saka, hirap din kasi ako sa numbers.

"Sige na, tumayo kana diyan at mag hapunan na tayo. Ite-text ko nalang si Marco na nawala 'yong phone mo para sabihan si Knight." pampalubag loob na sabi ni Charmaine.

"Text brigade niyo kaya? Tawagan niyo kaya ulit? Baka sumagot na 'yong nagnakaw."

"Kanina pa namin tinatawagan 'yong number mo pero out of reach, Jenna." sabi ni Ashely. "Imposible rin namang isasauli pa 'yon no, iPhone ba naman. Mamaya mo na kasi isipin 'yan. Parang hindi kana nasanay eh."

"Paano ko mako-contact si Knight ngayong weekend niyan? Sabado bukas at buong araw silang magpa-practice. Kasi naman eh. Ang bobo ko talaga." sabi ko pa habang pinupokpok ang ulo ko gamit ang kamay ko.

"Hindi ka naman bobo, Jenna. Tanga ka te, tanga!" insulto sa akin ni Charmaine pagkatapos ay hinila na ako patayo. "Halika na nga at kumain na tayo."

Wala na akong nagawa kundi ang padabog na sumunod sa kanila sa dining area. Napakamalas ko naman talaga. Successful at winner na nga ako sa love life ay mukhang hadlang naman ang mother earth sa relasyon naming dalawa.

Dali-dali akong tumakbo patungo sa sala nang marinig kong tumunog ang landline phone.

"Knight!" Awtomatikong sagot ko na nag-e-expect na maririnig ang boses ng aking nobyo.

"Jennica," malalim ang boses na tawag niya sa kabilang linya.

Parang nabunutan naman ako ng tinik nang marinig ko ang boses niya. Tama nga ang hinala ko. Nang maipadala kasi ni Charmaine ang mensahe kay Knight ay alam kong tatawag siya kaagad dahil ayaw niyang makaramdam ako ng lungkot.

"Nawalan na naman ako ng cellphone!" paiyak na sabi ko na para bang hindi pa niya alam ang nangyari.

Ewan ko pero iba parin talaga kapag  sa boyfriend mo binubuhos ang sama ng loob mo. Kahit nga pangalan ko palang ang sinabi niya ay feeling ko, ayos na ako.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon