Chapter 37: Rainy Day

106 9 2
                                    

Maraming salamat sa sumusubaybay padin ng story! Sobrang tagal na pero tatapusin ko talaga 'to. Bigla akong sinipag dahil sa inyo.

___________________________________

"Ladies and gentlemen, please help me welcome. From THMD Department, Ms. Jennica Ramirez!"

Narinig kong tawag sa akin ng aming dean. Nagkakagulo ang mga tao dito sa gymnasium. Nagsimula na kasi ang unang araw ng CAS Days. Ngayon din ang unang program ng event, simula na ng competition.

"Kaya mo 'yan, Jenna! Go girl!" Narinig kong sigaw ni Charmaine and I smiled dryly

Dahan dahan akong naglakad patungong stairs ng stage. Binigyan ko siya ng pass para makapasok dito sa BriTech University. Hindi nga siya pumasok sa klase niya para suportahan ako. Wala na kasi akong narinig mula kay Ashely dalawang araw na ang nakakaraan, pagkatapos ng nangyaring 'yon.

"Galingan mo Ms. Ramirez!" Narinig kong cheer sa akin ni Ms. Domingo na nasa gilid ng stage.

Nag thumbs up ako kay Maam at ngumiti. Nasa gitna na ako ng stage hawak hawak ang mikropono, kaharap ang maraming estudyante.

Nagbuntong hininga ako at inihanda ko na ang sarili ko. Tumahimik ang buong paligid. Nilibot ko ang aking paningin hanggang sa labas ng gymnasium at doon ko napansin ang pagkulimlim ng langit. Na para bang nakikiramay ito sa aking nararamdamang kalungkutan. Wala siya. Hindi siya pupunta.

Nagsimula na ang tugtog ng kakantahin ko. Kinakabahan ako. Pinagmamasdan ako ng mga tao na para bang lumalagpas sa kaluluwa ko ang mga tingin nila. Natatakot ako. Natatakot na baka malaman nila ano mang oras ang nilalaman ng puso ko.

🎶I wake up in the morning remember that you're gone. I wondered where the sun went. The rain is falling now🎶

Ang pinili kong kanta ay parang kondisyon din ng panahon at nararamdaman ko ngayon. Tugmang-tugma. Ang hilig ko talagang saktan ang sarili ko.

Aasa pa ba 'kong darating siya? Pero may bumubulong sa akin na 'wag na. Baka umasa na naman kasi ako sa wala. Hindi rin naman nya ipinakikita na desidido talaga siya. Aasa pa ba ako o susundin na lang ang pride ko at kalimutan siya?

🎶And I'm awake on this rainy day and I'm watching as my tears fall down the window pane🎶

Nagsimula ng pumatak ang ulan. At kasabay ng patak ng ulan ay ang pagpatak din ng luha ko. Naalala ko na naman ang sinabi ni Knight ng gabing 'yon.

"Bumalik kana sa kanya." Kumurap ako na para bang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Para akong na broken hearted sa pangalawang pagkakataon.

How dare he set me free without knowing what I feel.

🎶Didn't I, baby? Treat you right? And I watch the rain it makes us pure again🎶

Wala nga yata akong nagawang tama. Lalo na sa kanya. Nasasaktan ako pero alam ko mas nasasaktan ko siya.

🎶I tried to come and see you but you won't let me in. I know we've had our moments but can we start again?🎶

Umalis si Knight na hindi man lang pinakinggan ang dapat ay sasabihin ko. Ang sakit pala. Ang sakit isipin na maiiwan na lang niya ako ng ganon ganon nalang. Alam ko. Hindi ko siya masisisi. At hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kapag hinayaan ko lang siyang iwan ako.

🎶And tell me how I'm gonna live without you? I feel like my world is falling apart🎶

Sinubukan ko siyang habulin. Nakakatakot bumitaw sa kanya. Nakakatakot tingnan na naglalakad siya papalayo sa 'kin kasi alam kong may mga luhang nagbabadyang tumulo. Ayokong muling masaktan sa pangalawang pagkakataon. Pero de bale na. Ayoko nang magpakatanga. Hinabol ko siya.

🎶I watch the rain falling again. Wash away, wash away. Will it wash away?🎶

"Hindi ba ikaw na din ang nagsabi na mahal mo 'ko? Basta basta mo nalang ba iiwan ang mahal mo?" Sigaw ko dahilan ng paghinto niya

"My world was so silent until you came. Nagulo 'yon dahil sa'yo. Dahil sa lakas ng pintig ng puso ko para sa'yo. Panagutan mo 'to!"

I'd be dumb if I didn't give my feelings a fighting chance. Tapos na niyang sabihin ang nararamdaman niya para sa 'kin. Gusto ko ako naman. Gusto kong ipaalam ko din sa kanya ang nararamdaman ko.


Patapos na ang kanta. Few of the crowd cheered, the rest booed. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pagtama ng isang lukot na papel sa noo ko hanggang sa nag sunod sunod ito.

Napahinto ako. Halos lahat ng estudyante ay tinatapunan ako. Tinatakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko para harangan ang pag atake nila. Napaigking din ako dahil sa screetch ng mikropono.

Narinig ko ang pagdagundong ng stage. May mga malalaking tao na ang nakaharang sa harapan ko. Na para bang pinoprotektahan nila ako.

Hindi ko sila masilayan ng mabuti dahil sa mga luha sa mga mata ko.

"Pasensya kana at natagalan ako ng dating," Narinig ko ang pamilyar na boses. "May inasikaso pa kasi ako."

Kilalang kilala ko ang taong ito. Ngumiti ako sa aking sarili at sinilip siya. Ngumiti din siya sa 'kin. Kinuha niya ang mikropono sa kamay ko at inilapag ito sa sahig. Ipinatong niya ang kanyang leather jacket sa balikat ko saka niyakap ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit, hindi ko na gugustuhing kumawala pa.

"Akala ko nga hindi ka na dadating eh."

Si Troy. Noon, Nandito siya palagi sa mga panahong kailangan ko ng masasandalan pero ngayon ang basketbolistang conceited ang nanjan para damayan ako. Pinasaya niya ako sa mga panahong sobrang lungkot ko. Siguro hindi ko lang nakikita noon pero palagi siyang nanjan. Sa lahat naman ng pagkakataon, palagi siyang nanjan. Ang lamang lang nilang dalawa ay mas mahal ko na siya.

He lead me the way off the stage, still protecting me. Ang kaliwang kamay niya ay nakaakbay sa balikat ko at ang kanan naman ay nakatakip sa mukha ko habang naglalakad kami pababa para hindi ako matapunan ng mga tao. Humawak ako sa baywang niya sabay sabing,


"Salamat, Knight without an armor."

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon