Chapter 3: Run away

4.6K 121 19
                                    





Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Exams week na. Ibig sabihin last week na namin!

Masaya kasi wala akong unggoy na nakikita dito. Yippee! Di rin naman pala magpaparamdam eh!



Last test na to, patapos na rin ako. Sows, andali lang eh.

Pinasa ko na ang test booklet ko at hihintayin ko nalang si Ashely sa labas ng room.

Sa wakas makakahinga na rin ako ng walang sagabal! Shopping kami mamaya, tas magsa-starbucks at makakapag parteyyy na r—



"Aray! Mister, pwede ba! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" Sigaw ko dun sa lalaking nakabangga sakin.

Lumingon sakin ang lalaki at tinanggal yung headset sa tenga niya,

"What?!" iritado niyang sabi.










Hala!! Bakit ba laging sa daan kami nagpapang-abot ng unggoy na itey? At bakit siya laging nakaharang sa daan? Bakod ba siya?

Tsaka myghad! Kinausap ko na sarili ko tungkol dito, Dapat lumayo ako sa kanya bago pa may mangyaring di kanais-nais.

Tatakas na sana ako kaya lang pinigilan niya ako sa braso, "Where do you think you're going?!"


"Ah, aalis na?" patanong na sabi ko.

"Do you really think you can go just like that?!"

"Ano bang kailangan mo ha?!!!" Sinigawan ko na siya! Mamaya na ako tatakas. Di na ako makatiis eh!

"Sumama ka sakin,"





"Ha? T-teka nga.... Hoy! A-ano ba, BITIW NGA!" Pumapalag ako. Hawak hawak niya kasi braso ko eh. Tas kinakaladkad pa niya ko. "San mo ba ako balak dalhin?!"


"Shut up!" Sinamaan niya ako ng tingin. As in SOBRANG SAMA talaga.

Nagpatianod nalang ako kasi seryosong seryoso yung mukha niya.

Bakit ba siya ganyan kung makaasta? Kung tutuusin nga, siya 'tong may utang sakin eh.

Nakatingin lang samin ang mga estudyante sa hallway habang kinakaladkad ako ng unggoy. Konti lang yung mga tao dun, exam kasi.

Nauna lang talaga akong lumabas dahil madali lang yung test eh. Matalino kasi ako.

Hoy, ano ba! Help! Di nyo ba napapansin na ayaw kong sumama sa kanya? Tingin lang ng tingin, sundutin ko mata nyo eh! Mga walang silbi!



Nakalabas na kami ng building. Kinakaladkad pa din niya ako hanggang dito sa quadrangle.

Yung mga tao tingin lang talaga samin. May mga nagbubulungan, may iba pa nga naka-taas ang kilay eh. Tabasan ko kaya kilay nila?



Saan niya ba kasi ako dadalhin? Ipapasalvage na ba niya ako ngayon?

Kabadtrip! Di ko pa nalulubos ang kaligayahan ko kanina eh, magpaparteyyy pa kami eh, dumating ka pa kasi!!!

"A-Ah, eh—"

Magtatanong ulit sana ako sa kanya kaso tinapunan niya lang ako ng 'magsalita-ka-patay-ka-sakin look' kaya hindi ko nalang tinuloy.

At kailan pa ako naging sunod-sunuran sa kanya, ha?!

Pero sige na nga, pagbigyan na bilang mainit ang ulo niya.







Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon