Chapter 10: Don't you dare

3.8K 87 25
                                    

2nd week of class ng first semester lang namin napagpasyahang pumasok ni Ashely. Hindi naman kasi ganun ka importante ang 1st week eh tsaka wala ding attendance yun.

Papasok palang kami sa gate, sinalubong na agad kami ng mga tinging kung hindi ka matutunaw, mamamatay ka naman.

Habang nasa hallway papuntang room namin, may mga girls pa na nakataas ang kilay sabay flip ng hair saka lalakad na paalis. Ano bang problema nila? Ang aga-aga, nag-iinarte.

Nasa may pintuan na kami ng classroom at nafi-feel ko na parang may naiba dito. Nagpatiuna lang si Ashely sa upuan niya at iniwan akong nakatayo lang dito. Tsk.

Saka palang ako lumakad papunta dun nang makita ko si Kentt na kumakaway sakin.

Seatmate ko nga siya, diba?

"Hi Jenna. How's your weekend?" Tanong niya sakin pagkaupo ko.

"Nakakabingi," sabay tingin ko kay Ashely sa kaliwa.

"Huh?"

"Ah. He-he. Wala,"

"Bakit hindi kayo pumasok last week?"

"Ano kasi... Wait lang, nag-attendance ba kayo?"

"Hindi naman. Nagtataka lang ako,"

Imbis na sagutin si Kentt, lumingon ako sa may likuran at nakita ko si Knight doon.

Parang natutulog ata siya. Nakayuko at nakapatong ang ulo niya sa desk eh.

Kaya...

*ting!

May nabuong plano sa isip ko.

*insert evil smile here*

"Kanina pa ba si Knight jan?" tanong ko kay Kentt na ngumingisi.

"Oo eh,"

Kung kanina pa siya jan, mahimbing na mahimbing siguro ang tulog niya.

Woah! What a perfect timing!

Tumingin ako sa direksyon ni Ashely at parang sinasabi ko sa kanya na 'aliwin mo muna si Kentt'. Na-gets naman siguro niya ang gusto kong sabihin dahil tumayo siya.

"Teka lang Kentt ah," paalam ko sa kanya.

Nagtaka siya at para bang tinatanong niya sakin na 'saan-ka-pupunta'. Pero tumango din naman agad siya.

Tumayo na ako at lumapit ako dun sa kinauupuan ni Knight.

Bakante ang katabing upuan niya.

Hindi pa siguro dumadating ang nakaupo dito.

Uupo na nga muna ako. Nakakapagod din eh.

Pinagmamasdan ko lang siya.

ang mukha niya.

Ang cute naman niya matulog.

at parang ang bait bait niya tingnan.

Sana palagi nalang siyang tulog noh?

Napabaling ang tingin ko sa kamay niya kung saan suot niya ang bracelet ko. Nakapatong ito sa desk niya.

Dahan dahan kong nilapit ang aking kamay para kunin yun.

Kukunin ko na siya...

Yesh! Nahawakan ko na ang dulo ng bracelet.

Napaigting ako nang minulat ni Knight ang mga mata niya.

Sa gulat ko, hindi ko agad nai-compose ang sarili ko at nahawakan na niya ako sa may pulso.

"Anong gagawin mo?" Mahina niyang sabi pero sapat lang para marinig ko.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon