Chapter 61: Falling Apart

61.1K 1.2K 424
                                    

Chapter 61: Falling Apart

Rina's POV

          Halos hindi ko na maramdaman yung mga paa ko habang naglalakad ako.

          Halos hindi ko na makita yung dinaraanan ko sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.

          Bakit ba ganito yung nangyayari sa akin? Bakit ba parati na lang ako nasasaktan?

          Bakit?

          Ano bang ginawa ko sa kanya para saktan nya ako ganito?

          Nagmahal lang naman ako pero bakit ang sakit-sakit?

          "Yo, Rinaling!"

          Dahan-dahan kong inangat yung tingin ko nang may makita akong isang pares ng paa sa harapan ko.

          At sa pag-angat ng tingin ko, nakita ko si Renji. Nakita ang sobrang lapad na ngiti nya habang nakataas sa ere yung isang kamay nito.

          "Hatid na kita!" sabi nya saka ko lang napansin yung naghihintay na sasakyan nito sa likod nito.

          Sandali akong napatingin sa paligid ko para alamin kung nasaan na ba ako.

          Nasa may gilid na pala ako ng kalsada. Sa isang parte ng kalsada na sobrang dilim.

          Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, hindi ko na alam kung saan ako napunta. Hindi ko na naisip kung magiging safe ba ako o ano.

          Matapos kong pakinggan yung ginagawa nila sa loob ng kwarto na iyon, umalis na ako.

          Yung mga luha sa mata ko dere-derecho lang sa pagbuhos. Halos ayaw na nilang tumigil sa pagbagsak sa mga mata ko.

          Sa sobrang sakit na nararamdaman ko halos hindi ko na maramdaman yung tibok ng puso ko, yung sakit na dala ng ginagawa nila sa akin.

          Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, naging manhid na yung buong katawan ko, yung buong sistema ko.

          "Pssst! Oy! Rinaling! Ano na? Sakay na! Dali!"

          Napatingin na lang ako ulit sa mukha ni Renji saka hindi ko namalayan na muli na naman palang pumapatak yung mga luha sa mata ko.

          "Oy! Oy! Oy! Pinapasakay lang kita sa sasakyan ko ah! Hindi kita pinapaiyak dyan! Mamaya ano na naman ibintang sa akin ni—"

          "Renji," putol ko sa sasabihin nya. "Bakit ganoon? Bakit ang sakit-sakit?"

          Napakagat ako sa labi ko para pigilan ko yung mga hikbi ko saka ko tinakip yung mga kamay ko sa mukha ko at inangat ang ulo ko sa ere para hindi ako magmukhang kawawa sa pinaka masayahing tao na nakilala ko.

          Mabuti pa sya masaya. Mabuti pa sya walang problema. Kaibigan sya ni JD pero hindi sya nasasaktan.

          Bakit ganoon? Magmula nang makilala ko si JD wala na syang ibang ginawa sa akin kundi ang saktan ako.

          Inakala ko noon na ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay ko ay nang ilayo nila si JD sa akin.

          Hindi pala. Mas masakit pa ngayon yung ginawa nya sa akin.

          Alam ko, alam ko na darating din ang araw na 'to. Na masasaktan ako ng todo-todo para sa buhol-buhol na pagsisinungaling na ginawa ko sa kanya.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon