{ TWELVE }

2.5K 69 20
                                    

TWTragedies's NOTE: Sorry for the late updates. Hinay hinay lang po sa demands ng updates! Mahina po ang kalaban, nagtatrabaho po ako so kailangan ko din ng pahinga apart from work and other stuffs!  ^_^ Kung may questions and other concerns, PM lang kayo sa akin or drop a message on my MB, I wont bite. 'Yung winner ko sa last contest, wait lang sa extra prize hehe. Pakonswelo ko na po 'tong medyo long update sa mga nag-antay hahaha. THANKS! 

***

My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

Written by toneewritestragedies

{ 12 } // A Scandal.

Kayleigh.

Ang sakit ng ulo ko. Damn.

Pinukpok ko ng kamay yung ulo ko dahil sobrang sakit talaga. ‘Yung tipong may malaking bato na nakapatong sa ulunan ko? Nakakabwisit lang. Wala akong masyadong matandaan sa pinaggagawa ko kagabi. Ang alam ko lang ay magkasama kami ni Mikko Shadows, broken hearted ako nun. That’s one thing for sure. Kumain kami tapos nag-inuman. Tapos hinalikan niya ako, hinalikan ko rin siya.

Wait.

Hinalikan ko rin siya.

Shit. Yeah! We kissed outside the bar! Nakakahiyaaaa~!

Nakakahiya talaga. Bakit ako nagpakalasing ng ganoon? Bakit ko ginawa ‘yun? Waaa. Ang landi landi ko. Hindi ko alam na may ganoon akong drunk tendencies. Ni hindi ko na rin alam ang ginawa ko –or namin pagkatapos ng halikan na ‘yun. Sheeeeeet na malagkit!

Huminga ako ng malalim at napatingin sa malaking salamin sa harap ng kamang kinauupuan ko. Medyo sabog-sabog ‘yung buhok ko at napakapungay ng mata ko. Well, bagay pala sa akin maging chinita minsan. Tss. Pero teka lang...

Walang malaking salamin sa harap ng kama ko!

Dahan-dahan kong tinignan ang paligid ng kwarto kung nasaan ako. Iba ang interior. Parang neutral, pwedeng pangbabae o panglalake. Iba din ang damit na suot ko.

“Waaaaah!”

Oh my god! Nasaan ako? Nasa hotel ba ako? Nasa Sogo ba ako? (Ang korni naman ni Mikko kung sa Sogo nya ako dinala ‘di ba?)

M-may nangyari ba?

Humawak ako sa ulo ko at ipinilig ang ulo. Hindi ‘to maaari. Virgin pa ako--? Teka, bakit hindi ako sure sa virginity ko?! Nag-concentrate akong tumingin sa tapat ng salamin at pinakiramdaman ang sarili ko: wala naman akong hickey sa leeg o sa parte ng katawan ko, hindi rin naman masakit ang ‘down there’ ko. That means, I still got my big V!

Oh my good Lord! Salamat po at nandito pa ang pinakaiingatan ko huhuhu. Ang gentleman ni Mikko. Mabuti at hindi niya pinagsamantalahan ang kahinaan ng pagkababae ko. Thank you Lord, thank you Mikko. (Ma-rape nga kita mamaya. LOL)

“Okay ka lang?” napatingin ako sa nagbukas ng pinto. Si Mikko, naka-bathrobe siya at mukhang katatapos niya lang maligo. Mas hot sya pag wet look. Wow.

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon