Nanaman

137 2 0
                                    

Nag tataka ako minsan
Kasi sa dinami dami ng tao sa pilipinas
Sa laki ng populasyon ng mundo
Bakit ako?
Bakit.. Ako... Nanaman
Bakit ako nalang palagi?
Hindi naman sa nag rereklamo ako o ano
Pero nakakasawa na kasi
Pa ulit ulit yung ganap
Pang ilan na ba 'to?
Ah, pang tatlo? O pang pito?
Natatawa ako
Siguro sapat na yung walong haha no?
Wala na bang bago ang mga gago?
Iisa lang kasi yung gimik nila
Na uumay nako
Guguluhin yung nananahimik mong mundo, susuyuin ka hanggang sa marinig nila yung oo mo.
Hindi ka nila titigilan hanggat hindi nila nakukuha yung atensyon mo na siyang mag papakain sa timawa nilang pride at dadalhin ka sa mundo nila ng hindi mo namamalayang iniiwan mo na pala yung sa iyo.
Ipaparamdam sayo yung mga bagay na alam mo sa sarili mong delikado hindi dahil mamamatay ka o ano pero papatayin nito yung natitirang pag asa at katinuan sa pag katao mo.
Aalisan ka nila ng pang matagalan sa pag bibigay sayo ng mga panandalian
At sa oras na napasakay kana sa mga trip nilang badtrip, iiwan ka sa ere na parang eroplanong nakatulugan ng piloto sa himpapawid
Madalas pag natapat sayo yung sagad sagadan yung pagiging gago? Ginagawa na sa iba yung step 1 ng plano kahit hindi pa natatapos yung last step sayo
Ayos diba?
Hindi sa naninira ako ng tao o ano
Pero kasi alam na alam ko.
Alam na alam ko yung pakiramdam
Yung halos hindi ka makahinga sa sakit.
Masyado ng masikip yung puso mo kasi punong puno iyon ng sakit at galit.
Ayaw mong aminin sa sarili mo na naloko ka. Na iniwan ka nanaman. Na mag isa ka nanaman. Kasi pinangako mo sa sarili mo na hindi ka na uulit pero nadali ka nanaman
Nanaman..
Punong puno na ng salitang nanaman yung buhay mo kasi pa ulit ulit nalang
Wala kang ka dala dala..
Hilig mong umunawa ng tao pero ni hindi mo maunawaan sarili mo
Nakakatuwa.
Dati kasi ang pangarap ko maging masaya lang
Simpleng bagay lang hinihingi ko.
Walang halong isang milyon o mamahaling sasakyan
Makasama ko lang yung taong mahal ko sa ilalim ng bituin at buwan habang nakikinig sa tunog na nililikha ng pag hampas ng alon sa karagatan
kahit isang araw lang. Kahit isang gabi lang
Gusto ko lang maranasan yung katahimikan ng paligid. Walang salitang naiwan, niloko o ginago na  nang gugulo.
Kahit isang beses lang.
Masyado bang mahirap at imposible yung hiling ko para makaramdam ako ng ganitong klase ng pagod sa mundo?

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon