Unspoken Words

2.2K 26 4
                                    

Wala ng mas hihigit pa
sa sakit
saya
lungkot
takot
at
kung ano ano pang mga salita
na mag lalarawan
sa damdamin
na hindi nabigyan ng pansin
kaya dinaan sa palihim na sulyap
at tingin
at tanaw
sa nakatagong pait
ng mundo
na pilit ikinukubli
gamit ang
lapis
at papel
at luha tuwing gabi.
Mahal,
natagpuan mo na ang daan patungo sa gitna ng dagat ng kalungkutan at mundo na puno ng pamamaalam
Ingatan mo ang bawat titik
ng mga salitang unti unti ng kumakawala
sa pusong matagal ng naka kulong sa
maling akala.
Mag titiwala ako at susugal
sa atin, sa tayo.
Sa madaming beses at sa huling pagkakataon,
maniniwala ako ulit sa'yo.

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now