labing-isa

296 7 1
                                    


Nagawi ako minsan sa Divisoria
Gaya ng sabi nila,
maingay dito at puno ng iba't ibang klase ng mga paninda
siksikan ang mga tao kaya kung minsan, hindi maiiwasan ang banggaan
meron pa nga minsang nananakawan at nahuhulugan
kaya sabi ko sa sarili ko bago ako pumunta ng Divisoria, kailangan handa ako sa mga pwedeng mangyari sakin
manakawan, mahimatay sa init, mabangga, magutom, mauhaw, mapagod at lahat ng negatibong bagay na dinudulot ng pamilihan nato
Pero sa tingin ko, hindi uubra lahat ng yan sa akin
Kasi kung kaya kong ipag siksikan ang sarili ko sa pagitan ng dalawang tao, ano pa yung simpleng pakikipag siksikan sa karamihan sa gitna ng daan?
Kung nagawa kong ipag laban yung taong nagawa nakong kalimutan, ano pa kaya yung wallet kong walang laman?
Kung natiis ko yung pagiging malamig niya kahit nilalambing ko na siya minuminuto ano pa kaya yung hindi pag inom ng malamig na tubig kahit malapit ng maubos ang laway ko at pwede ng pigaan ang damit ko dahil sa pawis na nilalabas ng katawan ko kada segundo?
Kung nagawa kong mag palipas ng gutom ng araw araw para lang sabay kami kumain, ano pa kaya yung magutuman ako ng ilang oras dahil sa pamimili
Kung nagawa kong patawarin siya ng ilang ulit kahit ilang beses na niyang ng pinamuka sakin na wala kang kwenta kaya dapat iwan na kita pero dahil nung nag pakawala ng katangahan ang Diyos, gising na gising ako at naka nganga pa, ano pa kaya yung mabunggo ako at makaladkad una pa ang mukha?
Mabilis naman ako mag patawad hindi ba?
Palagi mo nga akong na papaniwala
Sa mga bagay na kahit malayo sa katotohanan,
isa isa ko pa din sinasangayunan
dahil ano bang magagawa ko?
Nabigo ako sa sarili kong mga salita
Nahulog ako sa malalim na parte ng mundo
kung saan patuloy pa din akong nahuhulog
at nag hihintay
Hindi ng tao para may sumalo,
kundi ng realisasyon na walang dadating na kahit na sino para sumaklolo
Kaya tama na.
Sapat na ang Divisoria para malaman ko na
hindi na talaga uubra
Tama na

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now