Babalik

151 4 0
                                    


Hindi ko alam kung paano ko 'to sisimulan o kung gusto ko ba 'tong simulan kasi wala naman kayong dulot bukod sa pag ubos ng baon ko o pag hila ng buhok ko o pag kakaroon ng sapak bawat minuto pero susubukan ko. Susubukan kong unawin ang pagkakataong nag tagpo sa pagitan ng mga pagitan ang mga bituin sa langit. Kung paano nag karoon ng liwanag ang madilim na gabi dahil sa buwan na nakangiti at masayang umaawit. 

Nung nagkaroon ng pagkakataong maging totoo ng mundo at maging malaya sa kalawakan kasama ng iba't ibang organismo na matatagpuan sa iba't ibang bahagi nito, sa isang iglap, sa isang kurap, nagkaroon ako ng tahanan sa loob ng malaki malawak, magulo at walang dulo o hangganan na kalawakan. Hindi ko alam kung paano ko 'to tatapusin o kung gusto ko pa ba 'tong tapusin dahil sa oras na nagkatagpo ang mga bituin sa langit, wala ng nang iwan, iniwan at maiiwan.


Sa pagitan ng mga pagitan, doon ko kayo natagpuan. Sa dagat ng mga kahit, pero, kasi at bakit, kayo yung mga pangit at may saltik. At sa dagat ng mga normal at hindi fan ni Georgia at Emma, nakikita ko ang sarili kong babalik at mananatili sa mga pangit at saltik.


Babalik. Palaging babalik at hindi makakalimot.

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now