apat

483 8 0
                                    


may mapayapang karagatan
sa gitna ng kawalan
malalim ang gabi
at sumisigaw ang katahimikan
nag liliwanag ang buwan
na para bang hindi na ito
mag kakaroon ng susunod pang pag kakataon
para lumiwanag at mag bigay ng liwanag
sa kalawakan
kumikislap ang mga bituin,
malamig ang simoy ng hangin
at ang karagatan ay mahinahon na nakikinig
sa dilim
at kapayapaan na ibinibigay ng sandali
ngunit sa pag dating ng mga alon at kidlat na nang gagaling sa langit,
ang mapayapang karagatan ay nag laho at napalitan ng kaligaligan
tumigil sa pagkislap ang mga bituin
at nagluksa ang buwan
kasabay ng pag hagupit ng mga alon na walang katapusan
unti unti na din nitong tinatangay ang katahimikan ng dating mapayapang karagatan

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon