tatlumpu't siyam

194 4 0
                                    


Malambing na haplos ng hangin ang tumatama sa mga matang animo'y langit na hindi nauubusan ng tubig
Bakit?
Bakit sa gitna ng asul na langit doon naka lagi ang lungkot na hindi mo mawari?
Lungkot na kay tagal nanatili sa pusong ni minsan hindi pinag tuunan ng pansin
At damdaming hindi nabigyan ng atensyon at naiwang naka tunganga sa gilid habang nag hihintay ng nilalang na may pakialam sa mga patapon at walang halaga sa tingin ng karamihan?
Habang buhay nalang bang mag hihintay ng pag kakataong mag karoon ng kahit konting halaga para kahit papano maranasan manlang maging ka mahal mahal sa paningin nila?
Asul na langit,
hanggang kailan tayo mamimilit sa mga taong iniiwan tayo ng pilit?
Hanggang kelan tayo mamamalimos ng tiwala at kumpyansa sa sarili na pilit ninanakaw ng mga ganid?

Hanggang kelan natin matitiis ang mga ibinabato ng mundo sa atin?

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now