dalawampu't pito

240 7 0
                                    


Nakatingin ako sa kawalan.
Iniisip kung saan ba ako nagkulang.
Kung anong desisyon ba yung hindi ko napag isipan.
O kung meron ba akong maling salitang nabitawan.
Binaling ko yung tingin ko sa kalawakan.
Buti pa yung mga bituin walang nararamdaman.
Walang hirap na nararanasan.
Walang sakit na pinag dadaanan.
Kung naging bituin ba ako, hindi na ako mahihirapan?
Kung naging buwan ba ako, hindi na ako masasaktan?
Kung naging bulalakaw ba ako, makakalaya na ako sa lahat ng aking naranasan?
Kung nasa langit na ba ako, wala na akong kahit anong mararamdaman?

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now