dalawampu't anim

267 5 0
                                    

Limang kandila ng batang humihiling ng gabay at awa.
Una, para sa kinabukasan ko.
Sa mga pangarap na aabutin ko.
Sa mga mithiing sana'y mapagtagumpayan ko.
At sa mga dadating pang pagsubok na kakaharapin ko.
Pangalawa, para sa mga magulang ko.
Sa kanilang kalusugan at kaligtasan.
Sa mga pagsubok na sabay nilang haharapin at pag dadaanan.
At sa walang katapusang pag mamahalan.
Pangatlo, para sa mga taong malapit sa puso ko.
Sa pagkakaroon nila ng lakas ng loob para harapin ang mundo.
Sa kanilang mga hiling na pag bigyan sana ng pansin.
At sa pagkamit nila ng matiwasay na damdamin.
Pang-apat, para sa lahat.
Sa kaligtasan ng mga bata at matatanda.
Sa kaayusan ng buhay ng mga nag hihirap at nahihirapan.
At sa pag kakaroon ng pagkakaisa ng sanlibutan.
Panglima, para sa kapayapaan ng mundo na hinahangad ng karamihan.
Sa pagwawakas ng gyera at walang humpay na patayan.
Sa pagtigil ng gulo at sandamakmak na alitan.
At sa paglakaroon ng katahimikan.

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now