Final Chapter: Because Genna Believes in Melvin

3.4K 149 14
                                    

"LORD Primo, puwede bang iwan n'yo muna kami?" Tinapunan ni Genna ng masamang tingin si Melvin na nakasimangot lang. "Melvin, mag-usap nga tayo."

Nagpaalam na sina Primo, Crey, Sley, at Stein. Nang sumara ang pinto ay saka lang nagsalita si Melvin.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Tapos mo na bang asikasuhin ang Seigo mo?" tanong ng binata sa mapait na boses.

Bumuga siya ng hangin. "Are you jealous?"

"Naku, hindi ako nagseselos. Nakatira ako ng isang dosenang anesthesia kanina. Sige pa, mag-date pa kayo mamaya," sarkastikong sagot nito.

Kinurot niya ang magkabilang pisngi ni Melvin na ikinasinghap nito. "Are you in love with me, Melvin?"

"Naku, hindi ako in love sa 'yo. Hobby ko lang talagang magselos kapag may ibang lalaki kang kasama at hobby ko lang din ang magpakabaliw sa 'yo," sarkastiko uling tugon ni Melvin.

Natawa si Genna. Kapag sarkastiko si Melvin ay nangangahulugan lamang na nagtatampo talaga ito. But she still found him cute! "Melvin, I'm sorry. Hindi ko naman alam na gagawin ni Seigo 'yon."

Bumuga ng hangin ang binata. At least, the expression on his face softened. "You should have not come along with him in the first place." Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Pero nasabi na sa 'kin ni Charly kung bakit mo nagawa 'yon. Thank you, my labs. But I still want you to know that more than reconciling with Seigo, being with you makes me happy."

"I just want to do something for you," katwiran niya.

"Then, don't leave me again. 'Yon lang ang hihilingin ko sa 'yo, wala nang iba."

The emotions in his eyes were so intense. Hindi niya magawang makipagtalo pa. He loved her—she could see and feel it in the way he looked at her. "Okay. Hindi na uli kita iiwan."

Marahan siyang itinulak ni Melvin paupo sa sofa. Nang mapaupo siya ay umupo naman ang binata sa mga hita niya at ipinulupot ang mga braso sa kanyang leeg. He was even gently massaging her nape. Their position was damn hot. And he was piercing her whole being with the intense look of love and lust in his eyes.

Napalunok siya. "M-Melvin."

He smiled sexily. "Let's disinfect your lips first."

And then he captured her lips and kissed her passionately. She could not help but hold on to his shoulders as she kissed him back with as much fervor. Ah, finally.

***

NAKATUNGHAY lang si Genna sa bilog na buwan. Nagkikislapan ang mga bituin sa paligid ng buwan kaya ang ganda-ganda talaga ng gabing iyon. Itinakas siya ni Melvin mula sa barbecue party nila kaya naroon sila ngayon sa flower-bed ng Luna Ville at nagpi-picnic muli. Naaadik na ang mokong sa night picnic nila.

"Damn Alaude, damn Sley, damn Stein, damn Lord Primo, damn Seigo, damn Boss Crey," bulong ni Melvin sa kanyang tabi.

Kunot-noong tiningnan niya ang binata. "What's wrong, Melvin? Ano'ng kasalanan nila sa 'yo?"

He smiled nervously. "W-wala naman, my labs. Ipinapahayag ko lang kung gaano ko sila kamahal."

Lalong kumunot ang noo niya. "Melvin, nagsisinungaling ka. Kilala kita. Ano'ng itinatago mo sa 'kin?"

"I love you, Genna."

Nagulat siya, pero napangiti rin dahil kinilig siya. "I love you, too, Melvin."

Sunod-sunod itong bumuntong-hininga, saka iginalaw-galaw ang mga kamay. "Teka, teka. Nate-tense ako. Mag-exercise nga muna tayo."

"Ha?"

Hinawakan siya ni Melvin sa braso at hinila patayo. Pagkatapos ay naglakad ito palayo, saka humarap sa kanya nang ilang metro na ang pagitan nila. Then, he sat down and hugged his legs.

"Melvin, ano'ng gagawin mo?" nagtatakang tanong niya.

At gaya ng inaasahan niya, nag-egg roll nga si Melvin papunta sa kanya! Subalit nang huminto ito sa paggulong sa tapat niya, imbes na tumayo ay lumuhod lang ang binata. Then, he pulled out a velvet box from his pocket.

Suddenly, they were being surrounded by beautiful fireflies glowing against the dark, as if guiding them as they closed the chapter of their chase, and as they opened a new journey of their lives together.

Noon pa lang ay naiyak na siya. "Sira-ulo ka, Melvin! Kung magpo-propose ka, sana sinabi mo nang nakapagpalit naman ako ng damit! Naka-pajamas lang ako!"

"It doesn't matter, my labs. I will still propose to you kahit basahan pa ang suot mo," nakangising sabi nito. "Genna Marie Castro, you're my best friend, my confidant, my advisor, my pillow, my teacher, my shock absorber, my enemy, my girlfriend. Tutal naman, magaling ka sa multitasking, would you like to take on the role of my wife as well? Will you marry me?"

"Yes, I will!" natatawang sagot niya habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Yes!" masayang sigaw ni Melvin. Tumayo ito at isinuot ang singsing sa kanyang daliri. Pagkatapos ay walang-babalang hinalikan siya sa mga labi.

In the middle of kissing him, she heard a mystical, bubbly voice of a little girl in her head. Pagkatapos, ang alaala naman nang makita niya sa bundok noon ang bulaklak ng Artemis ang pumasok sa kanyang isipan.

"To the couple who saved me when I injured my wings when I was on a mountain years ago, I gave you the gift of seeing Artemis—my favorite flower—on every night of the blue moon wherever you are. Woman, the Artemis has the power to grant one wish, and yet, despite that, you still gave it to a friend.

I should have blessed him with luck, like you wished. But his heart refused it, and he made another wish instead. And his wish was for you to have a fortunate and happy life with the man you truly love. I shall grant that wish."

She broke the kiss to come up for air. Walang-babalang tumulo ang kanyang mga luha. Luna Queen—Luna Ville's fairy queen—just talked to her in her mind. Si Seigo, nagsakripisyo na naman para sa kanya at para sa kapatid nitong si Melvin.

Melvin cupped her face. "What's wrong?" nag-aalalang tanong nito.

"Melvin, we betrayed Seigo. Gusto kong maging masaya siya, gaya ng kagustuhan niyang maging masaya tayo," pakiusap niya.

Tumango si Melvin. Niyakap siya. "Tama ka, my labs. Sa memorial service ni Lolo, sasabihin na natin ang lahat sa kanya—the story of our betrayal."

•••WAKAS•••

***

[NEXT BOOK WILL BE POSTED SOON. PLEASE WATCH OUT FOR LUNA VILLE SERIES 6: BANISHED MEMORY KEEPER. THANK YOU FOR READING LUCKY GOLDEN ARTEMIS  . ^_^]

PS: If you liked the story, please don't forget to vote and share this to your friends. Hehe. Mahaba-habang biyahe pa ito dahil 7 books in total ang Luna Ville Series. Please make sure na naka-follow kayo sa'kin at kung okay lang, puwede rin niyong i-add ang Luna Ville sa library niyo para lagi kayong updated. Thank you. :)

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Where stories live. Discover now