15th Chapter: Compromise

2K 99 6
                                    

"AH! YOUR coffee is the best, my la—Genna!" masayang bulalas ni Melvin.

Bahagyang natigilan si Genna sa paghahalo ng kape nang mapansin niyang pigilan ni Melvin ang sarili na tawagin siyang "my labs," ang endearment nito sa kanya. Hindi niya akalaing darating ang araw na mami-miss niya iyon.

"Ayos lang ba na iwan mo si Hazelette sa bahay mo?" tanong na lamang niya.

Tumikhim ang binata. "Genna, unang-una sa lahat, gusto kong linawin na hindi ko siya kasama sa pag-akyat sa bundok. Nagulat na lang ako, naroon na siya. Nadulas siya at napilayan habang kasama niya 'ko kaya nagmagandang-loob na 'kong tulungan siya. Pansamantala lang naman siyang mananatili sa bahay ko. Alam ko kung ano'ng ginagawa niya, at sinisiguro ko sa 'yong hindi ako mahuhulog sa patibong niya."

Tumango-tango si Genna. "You're smarter than you look," pabirong komento niya. Hindi kasi niya inakalang alam pala ni Melvin na may balak si Hazelette na akitin itong muli. Kung ano man ang dahilan ng babaeng iyon, hindi niya alam.

Melvin feigned hurt. "Ouch. Nasasaktan din naman ang mga guwapo, Genna."

Pinigilan niya ang mapangiti. "Biro lang. Kailan ka pa sinimulang gambalain ng babaeng 'yon?"

Nagkibit-balikat ito. "Just a few months ago."

She rolled her eyes. "Let me guess. Si Seigo ang nagbigay sa kanya ng numero mo." Tumango lang si Melvin. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Sigurado ka bang 'yon lang ang nangyari sa inyo ni Hazelette sa bundok?"

Itinaas ng binata ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Oo naman! Umakyat lang ako sa bundok para maghanap ng Lunabelles."

Kumunot ang noo niya. "Lunabelles?"

Nakangiting dumukwang si Melvin at ipinakita sa kanya ang cell phone nito. "Lunabelles. 'Yon 'yong mga bulaklak na katulad ng nakita natin sa LV flower-bed. Look."

Tiningnan ni Genna ang screen ng phone. Ang nasa larawan ay tatlong ginintuang bulaklak na kulay-ginto at ang apat na petals ay animo ay pakpak ng mga paruparo. Napahawak siya sa botelya na nakasabit sa kanyang leeg bilang kuwintas kung saan nakalagay ang parehong bulaklak. Naalala na niya ang tungkol doon.

"Come to think of it, parang pinag-trip-an mo lang ako noon at nagpauto naman ako sa 'yo nang sumang-ayon naman ako sa pangalang ibinigay mo sa bulaklak," natatawang pagsariwa niya sa alaalang iyon.

Natawa rin si Melvin. "Guilty as charged. But I think that name suits the flowers anyway."

Nang tumama ang mainit na hininga ni Melvin sa kanyang mukha ay saka lamang niya napansing gahibla na lamang pala ang distansiya sa pagitan nila.

Nang mapatitig siya sa mga mata ni Melvin, bumalik ang kakaibang pintig ng kanyang puso na tanda ng hindi nagbabagong pagtingin niya rito. May kung ano sa mga mata ng binata ang pumigil sa kanya para lumayo. "Melvin, umakyat ka ba sa bundok para lang maghanap ng Lunabelles?"

Sumeryoso ang mukha ng binata, subalit tumango rin naman. "I want to make peace with you."

Genna sighed and leaned back against her seat. "Melvin, please stop doing things that would only make me fall harder for you. Alam mo na kung ano'ng nararamdaman ko para sa 'yo, 'di ba? Dapat mo ring malaman na lahat ng gagawin mo simula ngayon, lalagyan ko na ng malisya, kahit hindi ko gusto. Katulad ngayon. Sino bang lalaki ang aakyat sa bundok para lang ikuha ng bulaklak ang babaeng hindi naman niya mahal?"

"Exactly. Walang lalaking aakyat sa bundok para lang ikuha ng bulaklak ang babaeng hindi naman niya mahal."

Natigilan siya. Alam niyang naiintindihan niya ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Melvin, pero naguguluhan pa rin siya! Marami siyang gustong sabihin pero sa huli ay sinipa na lang niya ang binti ng binata sa ilalim ng mesa. "Gago ka, Melvin! 'Wag mo 'kong binibiro dahil mahina ang puso ko sa 'yo ngayon. Baka maniwala ako niyan!"

Ngumiwi si Melvin. "Hey, don't say bad words. At hindi kita binibiro." Sumandal ito sa kinauupuan at marahas na sinuklay ang buhok. "No'ng nasa bundok ako, wala akong ibang inisip kundi ikaw. Gusto ko pa sanang manatili ro'n nang mas matagal, but I've missed you like crazy. Parang mababaliw na rin ako habang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi mong sanayin na natin ang mabuhay nang wala ang isa't isa. Heck, I can no longer imagine a day without you. And I don't want to imagine that again because it's heartbreaking and brain-damaging!"

Napakurap-kurap si Genna. Hindi ma-absorb ng sistema niya ang mga nangyayari. She was overwhelmed by the intense emotions dancing in his eyes as he said those sweet words in the gentlest way possible. "M-Melvin... binibigyan kita ng pagkakataong bawiin ang mga sinabi mo. Malapit na talaga akong maniwala sa 'yo. Konting bola na lang. Mga three."

Natawa ang binata, gayunman ay hindi pa rin nawala ang pagkaseryoso sa mga mata. "Genna, I can finally see you as a woman whom I can love romantically. Papunta na ko ro'n, konti na lang. Pero gusto kong makasiguro." Hinawakan nito ang kamay niya. "Hindi madali para sa 'tin 'to, Gen. Pero hihilingin kong bigyan mo pa 'ko ng panahon para masiguro ko sa sarili na karapat-dapat nga ako sa 'yo. I want you to be by my side until the day I can finally say those three words to you."

That was a big risk. It was a good thing she was a risk-taker. Nang magtapat siya kay Melvin, hindi siya umasa na tutugunin ng binata ang kanyang pag-ibig. Doon pa lang, bigo na siya at mas makabubuti sa kanya ang huwag nang sumugal. 'Tapos, bigla siya nitong binigyan ng pag-asa, kahit maaari pa rin siyang mabigo sa huli.

Pero kahit ano naman sa dalawa ang piliin niya, masasaktan at masasaktan pa rin siya. At kung masasaktan siya, gusto niyang masaktan nang may ipinaglalaban.

"My labs?" Biglang dumaan ang pagkataranta sa mukha ni Melvin. "My labs! Bakit ka umiiyak?!"

Natawa si Genna habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Wala. Masaya lang ako dahil tinawag mo uli akong 'my labs.' 'Akala ko kasi, talagang mawawala ka na sa 'kin. Ayokong mangyari 'yon kaya kahit gaano pa kaliit 'yang pag-asa na sinasabi mo, tatanggapin ko. Like you, I can't imagine a life without you."

Tumayo si Melvin at niyakap siya mula sa likuran. Pagkatapos ay naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng kanyang ulo. "Thank you, my labs. Just give me time. Konting egg roll na lang, mga three."

Natawa siya sa biro. Ah, it was funny how the person who broke her heart was the same person who put it back together.

Tatlong egg roll na lang!

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon