19th Chapter: Too Late

2.2K 87 9
                                    

BUMUNTONG-HININGA si Genna habang iginagala ang tingin sa kabuuan ng villa na pinagdalhan sa kanya ng tauhan ni Seigo. Mananatili siya roon nang tatlong araw, ayon sa kanilang kasunduan. Naalala pa niya kung paano siya napasunod sa kagustuhan ni Seigo.

"Yes. Kapag pinutol mo ang espesyal n'yong relasyon ni Melvin at sumama ka sa 'kin sa villa ko sa loob nang tatlong araw, gagawin ko ang gusto mo. Pupunta ako sa memorial service ni Manuel Wu at kakausapin ko na rin ang ama ni Melvin. Don't worry. While we're together, I won't lay a hand on you. Gusto ko lang makita ang reaksiyon ni Melvin kapag nalaman niyang magkasama tayo sa villa ko," parang naaaliw na sabi ni Seigo. "Pero hindi naman kita pipilitin sa gusto ko. Puwede kang tumanggi, pero wala ka nang ibang magagawa para mapapayag ako sa pagharap sa mga Wu."

Pumayag siya para na rin sa ikaaayos ng pamilya ni Melvin. Masakit para sa kanya ang ginawa niya, lalo na ngayong nararamdaman niyang nagkakalapit na sila ni Melvin. Pero alam niyang hangga't hindi pa naaayos ang gusot ni Melvin kay Seigo ay hindi ito lubusang magiging maligaya sa piling niya.

"I'm really surprised you came here."

Nalingunan ni Genna si Seigo na nakasandal sa balustre ng hagdan, nakahalukipkip at literal na nakatingin pababa sa kanya. Simpleng pulang V-neck shirt at puting pantalon lang ang suot ng binata pero ang guwapo-guwapo pa ring tingnan.

Really handsome in a very brooding way.

Nasabi niya iyon dahil kahit guwapo si Seigo, mag-aalangan ang kahit sinong lumapit dahil sa aloof na aura at malalamig na mata ng binata. Nakakatakot ito.

"Tumupad ako sa kasunduan natin kaya ipangako mo rin na tutupad ka sa ipinangako mo," mariing sabi niya.

"I will."

Naningkit ang mga mata ni Genna. "Siguruhin mo la—achoo!" Itinakip niya ang mga kamay sa kanyang mukha nang mabahin siya. Napasinghot din siya. Nasa itaas kasi ng bundok ang villa ni Seigo kaya mas malamig ang klima roon. Lamigin pa man din siya.

"Hanggang ngayon pala, ang dali mo pa ring sipunin."

Nagulat siya nang pag-angat niya ng tingin ay nasa harap na niya si Seigo. Kinuha nito ang shawl na nakasampay sa malapit na silya at marahang ibinalabal sa kanyang leeg. Medyo nailang siya dahil ngayon lang uli nakalapit nang ganoon sa kanya ang binata. Lalo pala itong tumangkad sa nakalipas na mga taon, at mukhang hinubog din nang husto ng panahon ang katawan. He looked mature, but that did not lessen his charm. Lalo nga itong gumuwapo.

And he still smells good.

Ipinilig niya ang kanyang ulo upang maalis iyon sa kanyang isip. "Seigo, kaya ko nang ayusin 'yan mag-isa—" Natigilan siya nang hindi sinasadyang mahawakan niya ang kamay ng binata.

Gusto niyang magbawi ng kamay pero nang mapatitig siya sa mga mata nito, hindi na niya nagawa. There was an unknown emotion in his eyes that seemed to squeeze her heart quite painfully.

She took a step back. "Ahm, s-saan ba ang magiging kuwarto ko?"

Noon lang parang natauhan si Seigo. Umatras din ito palayo. "Nasa second floor ang kuwarto mo." May kung sino itong tinawag. Isang dalaga ang lumabas na sa tantiya niya ay kaedad lang niya. "Gen, this is Moira, my secretary. She'll be staying with us para hindi ka mailang."

Ngumiti ang babaeng nagngangalang "Moira." "Hello, Miss Gen."

Maganda si Moira at maganda pa ang pangangatawan, subalit kahit mukhang sosyal ay hindi naman mataray.

Ngumiti rin siya. "Genna na lang, Moira."

"Okay, Genna. Halika, ihahatid na kita sa kuwarto mo."

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Where stories live. Discover now