21st Chapter: Tension

2.1K 109 14
                                    

"STOP that damn thing!" sigaw ni Melvin habang pinipigilan siya nina Sley at Stein na sugurin ang inosenteng Ferris wheel.

"Melvin, calm down," kunot-noong saway ni Primo.

Kahit paano ay kumalma siya dahil kahit anong galit, alam niyang hindi niya kaya si Primo. "Let me go, Sley and Stein. I'm okay now." Nagtinginan ang dalawa bago siya sabay na binitawan. Humugot siya ng malalim na hininga.

"Melvin, umayos ka, kung hindi ay sisipain kita pabalik sa Luna Ville," banta ni Crey.

"I'm calm, Boss," pagsisinungaling niya.

Binatukan siya ni Crey. "You look like you're about to kill someone."

"Breathe in, breathe out, Melvin," natatawa namang pagtuturo ni Sley.

"Fine." Paulit-ulit na humugot ng hininga si Melvin katulad ng sinabi ni Sley, at epektibo nga dahil kumalma nga siya.

Hinintay nilang magkakaibigan sina Genna at Seigo na makalabas ng gondola. Kung kaya lang niya ay siya na ang umakyat sa Ferris wheel at hilahin palabas si Genna roon. May tiwala siya kay Genna, pero wala siyang tiwala kay Seigo.

And he was very jealous!

"Oh. They're here," pagbibigay-alam ni Stein.

Pigil ni Melvin ang hininga nang makita niyang lumabas mula sa gondola sina Genna at Seigo. Hindi na niya napigilan ang sarili. He ran towards Genna ang hugged her tight.

"Melvin," gulat na bulalas ni Genna.

"I've missed you, Gen!" Tinapunan niya ng masamang tingin si Seigo. "Ano'ng sinabi mo kay Genna para sumama siya sa 'yo?"

Kumalas si Genna sa pagkakayakap niya. "Melvin, calm down. Wala namang ginawang masama si Seigo sa 'kin."

Tiningnan niya si Genna. "Kinakampihan mo pa ba siya, my labs?" Hindi na niya naitago ang pagseselos sa kanyang boses.

She touched his cheek as an apology. "Hindi sa gano'n, Melvin. Pero hindi ka rin dapat nagsisimula ng away. Magkapatid pa rin kayo ni Seigo."

"But—" Hindi na niya naituloy ang pagrereklamo nang dumampi ang malambot na mga labi ni Genna sa kanyang pisngi. That was enough to cool down his wrath.

"I'm sorry for making you worry," she said sincerely. Pagkatapos ay binigyan siya ng matipid na ngiti.

Wala na. Wala naman siyang panama sa ngiti ni Genna. Bumuntong-hininga na lang siya at hinawakan ang mga kamay ng dalaga. "It's okay, my labs. Panatag na 'kong makitang wala namang masamang nangyari sa 'yo."

Seigo scoffed. "As if I'll let anything bad happen to her while she's with me."

Melvin glared at his older brother. Hindi niya gusto ang implikasyon ng sinabi nito. "Seigo."

Ngumiti lang nang matamis si Seigo. "Magkita na lang tayo sa memorial service ni Manuel Wu."

Natigilan si Melvin. Ang tinutukoy ng kapatid niya ay ang kanilang lolo. "Pupunta ka sa memorial service ni Lolo?"

"Ayaw mo?"

"Hindi!" mabilis na bawi niya. "Gusto ko, siyempre. Nagulat lang ako. What made you change your mind?"

Dumako ang tingin ni Seigo kay Genna. The look in his face suddenly softened. "I promised Genna I'd reconcile with the Wu family."

Biglang kinabahan si Melvin nang mag-iwas ng tingin si Genna. She was... blushing. Tinapunan niya ng nagtatakang tingin si Seigo. "Totoo ba 'yan?"

Tumango si Seigo. "Well, I'm pretty tired of watching your reactions for each prank I scheme. Let's have a truce. Never show your face to me again and I'll leave you alone."

Nagkatinginan silang magkakaibigan, lahat sila ay nagtatanungan kung maniniwala ba sila.

"Trust him," mariing sabi ni Genna na ikinagulat nilang lahat. "Hindi na niya tayo guguluhin."

"How can we be sure of that?" tanong naman ni Charly.

Seigo smiled—a rare, genuine smile—while looking at Genna. "I can't possibly hurt the woman who's close to my heart, can I?"

Natahimik silang magkakaibigan. That was like a declaration of love. Naramdaman ni Melvin ang pagtatagis ng kanyang mga bagang. He really wanted to kill Seigo now and forget they were half brothers.

"Seigo!" sigaw niya.

Ngumisi si Seigo. "'You mad, bro?"

Akmang susugurin na niya ang kapatid nang pigilan uli siya ni Genna. "Melvin! Ano ba? 'Wag ka ngang magsimula ng away."

"But I'm jealous," pag-amin niya sa nagtatampong boses. "Hindi pa tayo nakakasakay sa gondola na 'yan."

Natawa ang mga kaibigan niya. Marahil ay nababawan sa ipinagseselos niya. Of course he only said that to lighten the mood. The truth was, he was jealous of the mere fact that Genna and Seigo were together.

"Stop being childish, Melvin," saway naman ni Primo. "It's not like they kissed inside the gondola."

Biglang namula ang mga mukha nina Genna at Seigo, pagkatapos ay sabay pang nag-iwas ng mga tingin.

Dahil sa kakaibang ikinilos ng dalawa, natigilan ang lahat sa pagtawa at natahimik.

Oh. So they kissed. "Fuck you, Seigo!"

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Where stories live. Discover now