8th Chapter: Letting Go

2.2K 85 6
                                    

Math Garden

NAKAUPO sa Bermuda grass si Genna at nakasandal sa pader habang nakatingin sa kanang palad. Isang linggo na mula nang patalsikin ni Charly si Seigo sa Armstrong Academy dahil sa ginawa nitong pagmamanipula sa mga kaeskuwela upang lumikha ng kaguluhan.

Pinaalis na rin ni Primo sa Luna Ville si Seigo. Nakasaad kasi sa kontrata na kapag may ginawang masama laban sa isang residente ang isang taga-LV, may karapatan ang mga Velaroso na i-terminate ang kontrata at i-ban ang residenteng nakagawa ng mabigat na kasalanan sa village nila.

Seigo knew that this would happen, so he bid her good-bye last week. Nasa Europe na ngayon ang binata at hindi niya alam kung may balak pang bumalik.

"Genna!"

Napapiksi siya nang may tumawag sa kanya. Pagbaling niya sa kanan, nagulat pa siya nang makita si Melvin na nakapatong ang mga braso sa mababang pader na nakapalibot sa hardin. "Melvin. Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Hinahanap ka. Ikaw? Hanggang kailan mo balak magtago rito?"

Niyakap niya ang kanyang mga binti. "Hindi ako nagtatago. Nagpapalipas lang ako ng oras."

"You're skipping class!" pagtatama ni Melvin. Ilang saglit pa, tinalon na nito ang mababang pader, pagkatapos ay nag-squat paharap sa kanya. Napapalatak ang binata habang nakatingin sa kanya. "Namumula ang mga mata mo. Umiiyak ka na naman."

As she stared back at him, naalala niya ang kasalanan niya rito. Masuyo niyang hinaplos ang kaliwang pisngi ng binata na nasampal niya noon. "I'm sorry."

Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Melvin, subalit nang makabawi ay ngumiti at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa pisngi nito. "You're forgiven, Gen. At hindi naman masama ang loob ko sa 'yo dahil naiintindihan ko kung bakit mo nagawa 'yon."

"Wala kang alam tungkol sa relasyon nina Seigo at Hazelette. You really loved her," kongklusyon niya. "And I'm sure you were hurt, too. Bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo no'n?"

Ngumiti nang malungkot si Melvin. "No'ng una pa lang, nagpakilala na sa 'kin si Seigo bilang nakatatanda kong kapatid. Pero pinakiusapan niya 'kong ilihim ang relasyon namin dahil ayaw daw ng daddy niya na ungkatin pa ng ibang tao na ampon lang siya. Masaya ako dahil inakala kong wala na siyang galit sa 'min. Kaya nang yayain niya akong mag-transfer sa Armstrong para daw magkasama kaming magkapatid, walang pag-aatubiling pumayag ako, sa kabila ng pagtutol ni Papa.

"Naging mabuti naman siya sa 'kin nitong nakalipas na isang taon. Pero pagkatapos ng ginawa niya ngayon, no'n ko naisip na gumaganti siya. Nanahimik ako dahil naiintindihan ko ang galit niya sa pamilya ko. Hindi ko na rin ipinagtanggol ang sarili ko dahil ayokong mapahiya si Hazelette, because like you said, I loved her."

And you still do.

Naroon pa rin ang kirot sa puso ni Genna dahil sa pagkabigo kay Melvin. Pero mas matimbang pa rin ang sakit ng pagkawala ng isang kaibigan. Unti-unti niyang binawi ang kamay mula kay Melvin.

"Alam mo bang kasalanan ko kung bakit nagkagano'n si Seigo?" tanong niya sa basag na boses.

Umupo ang binata nang pa-Indian style sa harap niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Ipinatong niya ang baba sa kanyang magkadikit na mga tuhod. "This may sound crazy, but I knew Seigo was extremely attached to me, to the point that I sometimes think he was obsessed with our friendship, and yet I pretended not to be aware of it. Alam kong gano'n siya sa 'kin dahil may takot siyang maabandona muli, at nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan. Because I already treat him as a family member.

"At nang mapalapit ako sa 'yo—ikaw na kinamumuhian pala niya—siguro ay natakot siya na iwan ko rin siya para sa 'yo, gaya ng ginawa ng ama n'yo." And because he knows I like you. "That must have been what triggered him to do those things. Because of his trauma, he has become possessive and obsessive towards the things and the people he cares about. Alam ko ang tungkol sa problema niyang 'yon, pero nagpanggap akong hindi 'yon nakikita. Kung siguro kinausap ko siya nang maayos, kung sana ay may nagawa ako para baguhin ang ugali niyang 'yon, baka hindi siya nagkakaganito ngayon. Dahil alam kong sa pananakit niya sa 'yo, sa 'tin, nasasaktan din siya..."

Unti-unting huminto si Genna sa pagsasalita nang maramdaman niya ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi siya naging mabuting kaibigan kay Seigo kaya naligaw ito ng landas at naging ganoon kasama ang pananaw sa buhay.

"Don't say that, Gen. It's not your fault. He has always been that way, silly girl."

Nag-angat siya ng tingin. "Pareho kayo ng sinabi ni Seigo. Magkapatid nga kayo." Natigilan siya nang dumako ang tingin niya sa leeg ni Melvin. Noon lang niya napansin ang nunal nito roon. Parang nakita na niya iyon. And then she remembered the boy who saved her when she was locked up in the storage room. Napasinghap siya. "Melvin... ikaw 'yong nagligtas sa 'kin at hindi ang kuya mo?"

He blushed and scratched his nape. "Ah, yes. That was me. Nag-alala kasi ako nang mawala ka after our PE class. So when I heard the girls who locked you up talking, I confronted them. Sinabi nila kung nasaan ka, kaya napuntahan agad kita."

And yet you didn't say anything. Dahil ba ayaw mong mapahiya lalo si Seigo? "Thank you, Melvin."

Ngumiti lang ang binata, pagkatapos ay inilahad ang kamay. "Tutal naman ay na-miss na natin ang karamihan sa klase natin ngayong araw, lubusin na natin. May gusto akong puntahan."

Napatingin si Genna sa nakalahad na kamay ni Melvin. All these years, she had always been the one reaching out to Seigo. Nakakapanibago na siya ang pinag-aabutan ng kamay ngayon. Gayunman, tinanggap pa rin niya ang kamay ni Melvin.

Taking his hand felt a little different from extending her hand. But it felt better. Much better.

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Where stories live. Discover now