3rd Chapter: First Heartbreak

2.3K 99 6
                                    

"NAKAKAPAGOD!" masayang bulalas ni Genna paglabas ng carousel kasama si Melvin. Iyon ang huling ride na nasakyan nila.

"Pero masaya, 'di ba?" nakangising tanong ni Melvin.

Natawa siya. "Oo. Masaya nga!" Naupo siya sa bench na nadaanan nila. Sa puwestong iyon ay matatanaw ang Ferris wheel. "Hindi pa 'ko nakakasakay sa Ferris wheel kahit kailan."

Umupo sa tabi niya si Melvin. "Really? Gusto mong sumakay tayo?"

Umiling siya. "Sa totoo lang, nangako ako kay Seigo no'n na kapag sumakay ako sa Ferris wheel sa unang pagkakataon, ang gusto ko ay siya ang kasama ko. No'ng una, ayaw niya 'kong payagan dahil no'ng nag-field trip ako noon, nagkataon na huminto ang Ferris wheel sa pinuntahan naming amusement park. Ayaw niyang mangyari sa 'kin ang nangyari sa mga na-trap doon. Kaya ang sabi ko, samahan na lang niya ako. And he agreed to it."

"Oh. Gano'n kaimportante sa 'yo si Seigo, huh?"

Ngumiti si Genna. "Oo naman. Parang kuya ko na siya."

Tumango-tango si Melvin. "I see. I always thought you had a thing for him."

Napasinghap siya. "Ano? Iniisip mong may gusto ako kay Seigo?"

Nakangising nagkibit-balikat ito. "Eh, kasi naman, sa 'yo lang siya gano'n kalapit."

"That's not true. Mas close sila ng girlfriend niya. Parang kapatid na rin kasi ang tingin niya sa 'kin kaya gano'n siya kabait sa 'kin." Nailang siya nang mapansing nakatitig si Melvin sa kanya habang nag-uusap sila at hindi pa ito nag-iiwas ng tingin. "I-Ikaw ba? M-may nagugustuhan ka na ba?"

Sa pagkagulat niya ay bigla na lang lumuwang ang ngiti ng binata at nangislap pa ang mga mata. "Yes. I already like someone. In fact, I think I'm in love with her."

Binundol ng matinding kaba ang dibdib ni Genna. Nanlamig ang mga kamay niya at bumilis nang husto ang tibok ng kanyang puso. Random lang naman ang pagkakatanong niya sa pag-aakalang mag-iiwas na ng tingin si Melvin kapag personal na nitong buhay ang pinag-uusapan. Hindi naman niya akalaing tahasan itong sasagot.

Handa na ba ang puso niya sa ganitong usapan?

"Don't look so shocked, Gen. Sa 'yo ko lang sasabihin 'to dahil ikaw ang itinuturing kong best friend. I'm in love." nakangising wika ni Melvin.

Pilit niyang pinanatili ang ngiti sa kabila ng matinding panlalamig na nararamdaman niya sa buong katawan. "B-Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?"

"Well, I wasn't supposed to tell anyone since our relationship is a secret. Ayaw pa kasi ng parents niya na magka-boyfriend siya. But it's true. I'm really in love." Inakbayan siya ng binata. "Pero 'wag kang mag-alala. Hindi sa 'yo."

Tumabingi yata ang ngiti niya roon.

***

NAPABUNTONG-HININGA si Genna nang makita ang pangalan ng Armstrong Academy na kulay-gintong mga letra sa bakal na gate ng kanilang unibersidad. Parang hindi pa siya handang makita si Melvin pagkatapos ng sinabi nito.

"I'm really in love. Pero 'wag kang mag-alala. Hindi sa 'yo."

Hindi pa man din siya nagtatapat ng nararamdaman para kay Melvin, bigo na siya. Kahit crush lang niya ang binata, masakit pa rin pala.

Okay. Make that "super crush."

"Genna!"

Nalingunan niya ang humahangos na si Charly. Nagtaka siya. "Ano'ng nangyayari, Charly?"

Hinawakan siya nito sa pupulsuhan. "Sumama ka sa 'kin. Baka mapatay ni Seigo si Melvin!"

"What?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Where stories live. Discover now