1st Chapter: Melvin and Seigo

5.5K 137 13
                                    

Twelve years ago...

TUMATAGAKTAK na ang pawis ni Genna dahil kanina pa siya nagdidilig ng halaman sa Math Garden ng Armstrong Academy. Hardin iyon na hugis-parisukat, at mababa lamang ang bakal na gate sa paligid. Puno ang hardin ng iba't ibang halamang nakapaso. Pero ang pinakanakakaaliw roon ay ang dalawang stone benches at stone tables na may disenyo ng iba't ibang numero, at sa pagitan naman ng mga iyon ay ang mesa na may nakaguhit na chess board.

"This is so stupid," komento ng kanyang best friend na si Charly.

Nilingon niya ito. "Well, Charly, we can't do anything about it."

Katulad niya ay nakaputing T-shirt din si Charly na may simbolo ng Armstrong Academy sa bandang dibdib—half-moon na napapatungan ng initials na AA na pula ang disenyo. Ang kapareha ng T-shirt ay dark gray jogging pants na may nakasulat na "Armstrong" pababa sa kanang binti.

Bumuga ng hangin si Charly. "Utos nina Kuya na pangalagaan natin ang mga garden nila. Our upperclassmen are bullying us."

Natawa nang marahan si Genna. Ang tinutukoy ni Charly na "upperclassmen" ay ang Kuya Eclipse nito, ang Ate Slenna ni Sley, ang Kuya Cream na pinsan ni Crey, at si Seigo na matalik niyang kaibigan. Mas matanda nang tatlong taon ang mga iyon sa kanila.

Eclipse, Slenna, Cream, and Seigo were Armstrong Academy's embodiment of power, beauty, wealth, and intelligence and they were labelled as the "A4." Bilang "pagkilala" sa posisyon ay nagpatayo ang apat ng kani-kanilang garden. Eclipse owned the English Garden and the Filipino Garden. Slenna owned Science Garden. Samantalang kay Cream naman ang Math Garden.

At gusto ng "upperclassmen" na silang magkakaibigan ang magpatuloy niyon dahil sila ang top students ng AA at bilang mga kamag-anak na rin. It was like a political dynasty.

And no one had the guts to question it since she and her friends came from the most prominent families. Especially Crey Arman Valerio and Primo Velaroso—who were the "boss" and the "lord" respectively.

Speaking of Crey...

Tinapunan ni Genna ng masamang tingin si Crey na prenteng nakaupo lang sa bench habang nagbabasa ng libro samantalang siya ay nagpapakahirap sa pagdidilig. Naka-shades pa ang mokong at fresh na fresh ang itsura. Hindi tulad nila na nanlilimahid na. "Boss Crey, baka naman gusto mo kaming tulungan?"

"Boss" ang tawag nila kay Crey dahil ito ang madalas na tagaprotekta kapag may umaaway sa kanila noong nasa elementarya sila. It was like their term of endearment for him.

"Kapag nagdilig din ako, baka malunod ang mga halaman," bale-walang sagot ni Crey.

She gritted her teeth. Naiinis talaga siya kay Crey dahil sa kaarogantehan nito!

"Genna!"

Alam niyang may tumawag sa kanya pero hindi niya pinansin. Kinuha kasi niya ang water hose na nasa gilid ng garden. Upang makaganti kahit paano, inihanda niya ang water hose na hawak niya at itinapat kay Crey. Pero nang buksan niya ang hose ay may malaking bulto ang bigla na lang humarang sa harap niya—at iyon ang natamaan ng tubig.

"Hey, what are you doing?!" reklamo ni Melvin habang isinasangga ang mga braso sa mukha.

Dali-dali naman niyang iniiwas ang water hose. "Melvin! Ano ba kasi'ng ginagawa mo at bigla ka na lang humaharang diyan?"

"Kanina pa 'ko nandito, hindi mo lang pinapansin," katwiran ni Melvin, saka bumuga ng hangin nang tumingin sa suot na basang-basang uniporme. "Tingnan mo ang ginawa mo sa kaguwapuhan ko."

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Where stories live. Discover now