13th Chapter: Melvin's Realization

2.2K 94 9
                                    

NAPAHIGA si Melvin sa damuhan dala ng sobrang pagod. Ginawa niyang unan ang malaking backpack. Nakaakyat na siya sa bundok na kabibili lang niya. Wala pa siyang naiisip na pangalan para doon pero balak niyang gawing mall ang malawak na lupain.

Umakyat siya sa bundok na iyon para i-check ang kalagayan niyon at para hanapin ang bulaklak na paborito ni Genna na doon lang matatagpuan. It would be his peace offering to her.

"Genna..."

"It's unfair that I'm in love with you, while you only love to be with me."

Hindi siya nakasagot doon dahil totoong gustong-gusto niyang kasama si Genna. He found peace by her side, and in all the times he experienced heartache, she had stayed in his life.

Sa kanyang pagpikit, wala siyang ibang nakita kundi ang isang magandang alaala kasama ng babaeng pinakamalapit na sa kanyang puso, maliban sa kanyang ina.

He opened his eyes. Kinutusan din niya ang sarili. "Ang tanga-tanga mo, Melvin! Ni hindi mo man lang naisip ang nararamdaman niya tuwing sasabihin mong mahal mo siya!"

Totoong mahal niya si Genna, pero ang problema ay hindi niya alam kung anong klaseng pagmamahal iyon. Pagkatapos ng panlolokong ginawa ni Hazelette sa kanya—inakit lang pala siya nito sa utos ni Seigo—ay hindi na uli siya sumubok sa pag-ibig. Naging gago siya, babaero, at lalaking walang karapatan sa inosenteng tulad ni Genna.

Kilala niya ang sarili kaya alam niyang hindi siya nararapat kay Genna. Iyon ang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi niya nagawang tanungin ang sarili kung ano nga ba talaga ang nararamdaman niya para sa dalaga. Natatakot kasi siya sa lalabas na sagot sa katanungan.

Pero ngayon, hindi na niya natakasan. At ngayon, kailangan na niyang harapin ang katotohanang matagal na niyang iniiwasan.

Ipinatong ni Melvin ang braso sa kanyang mga mata. "Shit! She's this important to me now."

"Siguro dapat masanay na tayo sa buhay na hindi kasama ang isa't isa."

Mapait siyang ngumiti matapos marinig sa isip ang sinabing iyon ni Genna. "Masanay tayo na hindi magkasama? Are you fucking kidding me? Paano ko gagawin 'yon kung ngayon, hindi ko na magawang isipin ang buhay ko noong hindi pa kita nakikilala?"

Inalis niya ang brasong nakapatong sa kanyang mga mata. Mula sa pagitan ng mga dahon ng nagtataasang puno sa paligid ay nakita niyang mataas pa naman ang sikat ng araw. Pero malayo pa ang lalakbayin niya pababa ng bundok. Dalawang araw na siyang naroon. "Kailangan ko nang bumalik sa Luna Ville." He sighed. "I miss her."

Muli siyang pumikit.

"Aw! That hurts!"

Napalingon silang lahat sa sumigaw na si Primo. Natawa na lang si Melvin nang makitang pinipilipit ni Pearl ang braso ni Primo sa likuran nito. Nakapaligid silang magkakaibigan sa isang bonfire at nagka-camping sa isang bundok.

"Melvin, tulungan mo naman ako!" sigaw ni Primo dahil alam na siya lang ang kakampi rito.

"My lord, ano na naman ba ang ginawa mo kay Pearl?" natatawang tanong niya.

Ngumisi si Primo. "I only tried to sleep beside her inside the tent."

"And that's sexual harassment!" reklamo ni Pearl. "Manyak ka talaga!"

"Wala naman akong balak na gawing masama! Sinisiguro ko lang na okay ka matulog outdoors! 'Di ba, Melvin?"

"Oo nga naman, Pearl," pagsang-ayon ni Melvin. "Kilala mo naman si Lord Primo. Hindi niya magagawa 'yon. Saka sexual harassment na ba agad 'yon? Ganito ang sexual harassment." Nilingon niya si Genna na kasalukuyang nag-iihaw ng hot dog at barbecue. "My labs, tara nga rito. I-demo natin kung paano ang totoong sexual hara—" Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang batuhin siya ni Genna ng pipino na nasalo lang niya. "Hey!"

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Where stories live. Discover now