17th Chapter: Almost

2K 102 4
                                    

"I CAN'T believe Genna's drunk. Bihira lang itong mangyari," naiiling na sabi ni Melvin habang pinagmamasdan si Genna na natutulog sa kama. Minasahe niya ang nanakit na balikat dahil binuhat niya ang dalaga mula sa kanyang kotse papunta sa kuwarto nito.

Tinapunan siya ni Charly ng masamang tingin. Si Charly ang kasama niyang sumundo kay Genna sa Partee-Partee Club nang tawagan sila ni Alaude kanina at sabihin nitong naglasing ang dalaga. "Baka may ginawa kang kalokohan?"

Mabilis na umiling si Melvin. "Excuse me, we're doing fine, you know."

"Siguruhin mo lang na wala ka ngang ginagawang kalokohan. Si Hazelette?"

"Oh, c'mon. The last time I saw her was the day she left my house and that was two weeks ago. Hindi na rin niya 'ko kinukulit dahil nang gabing iwan ko siya, napag-isip-isip na niyang hindi na 'ko babalik sa kanya kahit ano pa'ng gawin niya. And..."

"And...?"

He smiled bashfully. "Sinabi ko na rin sa kanya na si Genna ang gusto ko. I don't know why but she seemed to give up after I said that."

"Babae rin si Hazelette kahit maldita ang bruhang 'yon kaya siguro, naramdaman niyang matagal mo nang gusto si Genna at hinintay lang niya ang kumpirmasyon mo. Anyway, ipagluluto ko muna ng soup si Gen. Ikaw muna ang bahala sa kanya. Alam mo namang may tendency 'yang mag-sleep walk kapag lasing." Napaisip ito. "At kahit nga pala nagde-date na kayo, wala ka pa ring karapatang gawan siya ng kahalayan habang wala ako."

"Bunganga mo naman, Charly!"

"What? Matatanda na tayo para mag-react ka pa ng ganyan. Don't try to have sex wi—"

"I get it!" Pinihit niya ang dalaga paharap sa hagdan. "Hindi ko gagawin 'yon, okay? At makakasiguro ka ro'n dahil walang pinto ang kuwartong ito. Magluto ka na nga lang."

Natawa lang si Charly, saka bumaba ng hagdan.

Nakapamaywang na inihatid na lang niya ito ng tingin. "Pambihirang babae talaga 'yon, o."

"Charly?"

Nilingon ni Melvin si Genna na nakaupo na pala sa kama habang kinukusot ang mga mata. "My labs. Mahiga ka muna para makapagpahinga. Bumaba lang si Charly para ipagluto ka."

Tinitigan siya nang matagal ni Genna bago dumaan ang rekognisyon sa mga mata. She must really be drunk. Pulang-pula rin ang mukha. "Melvin..."

Ngumiti siya at lumapit. He got down on one knee and held her hand. "Yes, my labs?"

Humikbi ang dalaga. "Melvin."

Bigla na lang siya nitong niyakap. At dahil may-kabigatan—este, hindi siya handa sa bigat ni Genna, napaupo siya sa sahig habang nasa pagitan ito ng kanyang mga binti. Agad naman niyang ipinulupot ang mga braso sa baywang ng dalaga bilang suporta.

"Whoa. Are you okay?" nag-aalalang tanong niya dahil patuloy pa rin sa paghikbi si Genna.

"I love you, Melvin."

Napangiti siya. Those words never failed to melt his heart. Pero kung gaano naman kadalisay ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon, ganoon na lamang ang kakaibang pag-iinit ng kanyang katawan. Damn, her soft body was pressed against him and it felt so good. Noon naman, kapag niyayakap niya si Genna ay hindi niya iyon nararamdaman. Maybe it was because he saw her as a woman now and because he finally realized he felt something special for her. He was undeniably attracted to her—emotionally and physically.

Bumuntong-hininga siya. "Genna naman. Don't do this to me. Mapapatay ako ni Charly."

Binuhat niya si Genna at maingat na inihiga uli sa kama. Balak niyang balutin ng comforter ang dalaga dahil hindi nakakatulong sa nararamdaman niya ang pagsilip ng mapuputi nitong hita mula sa suot na shorts.

Pero bago pa siya makatayo nang deretso ay naipulupot na ni Genna ang mga braso sa kanyang leeg, dahilan para mapaupo siya at para bumaba nang husto ang kanyang mukha sa mukha nito. Halos magdikit na rin ang tungki ng kanilang mga ilong.

"Melvin..." halos pabulong na sambit ni Genna.

Damn, who said chubby women can't seduce anyone?! Her eyes were sultry, her moist lips were parted a little and her hot breath was fanning his face.

Nalalasing na rin yata siya dahil sa pagtama ng amoy-alak na hininga ni Genna sa kanyang mukha. He felt so hot... Ikinuyom niya ang mga kamay. Hindi niya gagawin iyon kay Genna nang wala ito sa katinuan.

But she was so beautiful, so sexy so... so... argh!

Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha. "My heart isn't ready for this yet, Genna!"

"Melvin, I love you. And I'll do anything to protect your happiness," masuyong bulong ni Genna.

Inalis niya ang mga kamay sa kanyang mukha. Kakaibang saya talaga ang dulot sa kanya ng mga sinabi ng dalaga. His heart was beating stupidly fast. The fact that she loved him felt like it was enough for him to survive in this world.

He always thought the words "I love you" were very special. Ngayon lang niya naisip na hindi pala iyon totoo. Dahil nagiging espesyal lang iyon kapag nagmula ang mga salitang iyon sa taong gusto mong mahalin ka. Only now did he realize the reason hearing someone say "I love you" to him before did not move his heart because he was actually waiting for Genna to say those three words to him.

Masuyong hinawi ni Melvin ang buhok na tumabing sa magandang mukha ni Genna. "You know, Gen. Alaude once asked us what love was. And I said love and I were star-crossed lovers—meant to meet, but never destined to be together. Kaya naman pala hindi kami puwede n'on ay dahil mali ang spelling ng 'love.' It should be spelled as 'L-A-B-S,' dahil ikaw 'yon."

Ngumiti ang dalaga. "Ah. My head is spinning I don't understand what you are saying. What does it mean?"

"This." And leaned down and captured her lips for a searing kiss.

She gasped in surprise and he used that chance to deepen the kiss. Dumako na rin ang isa niyang kamay sa baywang nito. He groaned when Genna pulled his hair as she finally kissed him back with equal fervor.

But when her hands roamed his chest, he broke the kiss. That would definitely have led to something more. He just watched her flushed face. Like him, she was breathing heavily. A surge of satisfaction filled his senses when his gaze landed on her swollen lips. He was Genna's first kiss, and on the other hand, he wanted her to be his last.

"Oh no. I can't stop myself now." Muli sana niyang aangkinin ang mga labi ni Genna nang may kung anong tumama sa ulo niya—isang notebook. Nalingunan niya ang galit na galit na anyo ni Charly. "Ahm—"

Charly smiled sweetly at him. Overly sweet. "At ano'ng binabalak mong gawin kay Genna habang wala siya sa katinuan?"

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Where stories live. Discover now