5th Chapter: Unexpected Link

2K 98 9
                                    

UNTI-UNTING iminulat ni Genna ang mga mata. Agad sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ng best friend niyang si Charly. Sa likuran ni Charly ay naroon din sina Primo, Sley, Stein, Alaude, Melou, Pearl, at Umi. At nang igala niya ang tingin sa paligid, nakita niyang naroon din pala sina Melvin at Seigo.

By the looks of it, she was in a hospital room. Sigurado rin siyang nasa Enriquez General Hospital siya na pag-aari ng pamilya ni Sley dahil lahat silang magkakaibigan ay may kanya-kanyang family doctor sa ospital na iyon.

"Gen, kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Charly.

Isa-isang nagbalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa loob ng storage room. Naroon pa rin ang takot niya subalit kalmado na siya ngayon. Isang imahen agad ang pumasok sa kanyang isip—ang mukha ng taong nagligtas sa kanya. "S-Seigo..."

Agad namang umupo sa gilid ng kama si Seigo at marahang hinaplos ang kanyang noo. "I'm here. Masama pa ba ang pakiramdam mo?" masuyong tanong nito.

Marahan siyang umiling. "T-thank you for saving me."

Dumaan ang pagkalito sa mga mata ni Seigo pero agad ding nawala at tumango lang. "Natakot ka ba?"

Tumango si Genna. Alam naman ng lahat na takot siyang makulong sa masisikip na lugar. Iyon nga ang dahilan kung bakit parating nakabukas ang pinto sa classroom nila, maging sa kanyang kuwarto na animo ay sala lang dahil walang pinto.

Ngayon lamang uli bumalik sa kanyang alaala kung paano namatay ang kanyang kuya. Bata pa siya noon subalit dahil sa nangyari kanina ay tila naging sariwa na naman ang sugat sa kanyang puso. She was really scared at the time and she did not want that to happen to her again.

Naramdaman na lang niya ang pagtulo ng kanyang mga luha kasabay ng pagdidilim ng anyo ni Seigo.

Tumayo si Seigo at hinablot ang kuwelyo ni Melvin na nanatiling nakayuko at walang imik. "This is all your fault, Melvin! Mula nang dumating ka sa grupo namin, wala ka nang ibang dinala kundi gulo! Ano ba talaga'ng gusto mo? Ang sirain ang bawat isa sa 'min? Why don't you just disappear?!"

"S-Seigo..." Sinubukan ni Genna na sawayin ang binata pero nanghihina ang buo niyang katawan.

Napansin din niyang tahimik lang na nanonood sa nangyayari ang mga naroon sa silid. Bakit walang ginagawa ang mga kaibigan nila upang pigilan si Seigo?

"You don't belong here, Melvi—"

"Stop it, Seigo!" galit na sigaw ni Charly.

Natigilan si Seigo at binitawan si Melvin, saka unti-unting pumihit paharap kay Charly. "Charly?"

Naguluhan na rin si Genna. Malakas ang kutob niyang may mangyayaring hindi maganda kaya tinatagan na niya ang loob. "Charly, ano ba talaga ang nangyayari?"

Pinaningkitan ni Charly ng mga mata si Seigo. "Genna is my best friend. Sa tingin mo ba, palalagpasin ko ang ginawa mo, ha, Seigo? Well, you're wrong. No'ng una siguro, totoong nagalit ako kay Melvin dahil sa ginawa niya sa 'yo. Pero nang marinig ko ang ginawang pambu-bully kay Genna, hindi na 'ko makapaniwalang magagawa 'yon ni Melvin. Kaya inimbestigahan na namin kung ano ba ang totoong nangyari."

Ipinatong ni Primo ang braso sa balikat ni Charly. "At napag-alaman naming walang kasalanan si Melvin."

Napasinghap si Genna. "P-paanong walang kasalanan si Melvin?"

Nilingon ni Charly si Crey.

Agad namang nagpaliwanag si Crey at tiningnan si Seigo. "Empleyado ng Valerio Group of Companies ang ama ni Hazelette. Well, I talked to her. At inamin niya sa 'kin na ikaw ang nagmanipula upang magkalapit sila ni Melvin at sa huli ay palabasing pinagtaksilan ka nila."

"And the girls who bullied Genna, they're not from Armstrong," mariing wika ni Primo. "Ipinahanap ko kay Pearl ang mga babaeng 'yon sa pamamagitan ng nakuhang video sa gate ng Armstrong. Kinausap ko sila at napag-alaman naming tulad ni Hazelette, ikaw rin ang nag-utos sa kanila na gawin 'yon. At siguradong ikaw rin ang nagpapasok sa kanila sa AA."

Hindi pa rin makapaniwala si Genna sa mga naririnig. Si Seigo ang nagmanipula ng lahat na iyon? Pero bakit?

Mukhang nakabawi na mula sa pagkabigla si Seigo, saka ngumisi nang mapait. "You know, I thought my plan was perfect. Pero mukhang wala pala talaga kayong tiwala sa 'kin. Dahil kung mayroon kayong tiwala sa 'kin, hindi kayo magdududa at hindi n'yo iisiping mag-imbestiga."

"We trusted you, Seigo," giit ni Charly. "But we just felt like something about you was off. At alam mo kung ano 'yon."

Something struck Genna's heart. Alam niya ang tinutukoy ni Charly na pinagmulan ng kakaibang kilos ni Seigo nang mga nakaraang araw. She knew about it but she did not have the heart to face it.

"'Wag n'yong sisihin si Seigo sa mga nangyayari," malakas na wika ni Melvin na kumuha ng atensiyon nilang lahat. "Totoo ngang minanipula niya ang mga nangyari. Pero nagawa lang naman niya 'yon dahil malaki ang kasalanan ko sa kan—"

"Shut up, Melvin!" galit na saway ni Seigo. "Stop acting nice in front of everyone! Why don't you just tell them the truth?!"

"Ano'ng katotohanan 'yan, Seigo?" hindi mapigilang tanong ni Genna.

Hinarap siya ni Seigo. Walang emosyon sa mga mata. "Melvin is my half brother. Siya ang anak ng taong pumatay sa mama ko. Kaya isinumpa ko sa sarili na ipaparanas ko sa kanya ang lahat ng hirap at sakit na ipinaranas ng pamilya niya sa mama ko."

"Kuya..." hindi makapaniwalang sambit ni Melvin. Marahil ay nabigla nang marinig ang mga planong paghihiganti ni Seigo.

A painful silence ensued.

Genna was shocked. Alam niya ang sekreto ni Seigo—na anak ito sa labas at may nakababatang kapatid mula sa isang prominenteng pamilya. Pero hindi niya alam na si Melvin ang tinutukoy sa mga kuwento ni Seigo!

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Where stories live. Discover now