Chapter 10

24 2 0
                                    

Who is she?

"Talaga? Nagapply kang secretary ni Hunter? So kaya pala andun ka sa company nila nung nakita mo ako?" Tanong ni Lirius sa nagaayos na si Ryus.

"Oo nga. Nabalitaan ko kasi na may naghihire nang secretary dun and since may experience na ako sa pagiging secretary, nagapply ako. Eh nangangailangan kasi sila kasi nagretire daw ung si Gina ba yun. Hindi ko naman alam na ang boss pala dun eh ung masungit mong asawa."

"Ano ka ba? Maganda ngang balita yun eh. At least, hindi ka mahihirapan na mapalit kay Hunter. Ayiiiieee, excited na akong makitang ngumiti si Luke. So ano? Natanggap ka ba?"

"Tsss.. kadiri! Ang pangit siguro ngumiti nun. Well, oo natanggap ako kaya nga nagbibihis na ako noh. Kailangan daw nila agad ng secretary nung si Hunter mo. Ngayon na ang first day ko kaya't wag ka masyadong dumaldal don at ayaw kong mapagkamalang baliw dun ah."

Kinuha ni Ryus ang bag at lumabas na sa bahay nila. Samantala naroon din ang pinsan nya na si Khia. Nakasunod lang si Lirius sa kanya.

"Hi po, pinsan ni Ryus!" Masayang bati ni Lirius sa nurse na si Khia.

'Hay baliw' bulong ni Jasmine habang nakangiti.

"Ate khia, papasok na ho ako. First day ko ngayon sa bagong pinagtatrabahuan."

Tumango si Khia. "Sige, Jas. Ingat ka! Mamaya pa ung pasok ko eh."

"Sige po, ate khia. Salamat!"

Sumakay silang dalawang magkapatid sa motor at pinaandar na ito ni Ryus.

Habang nasa byahe ay sumisigaw lamang si Lirius dahil sa kaligayahan na sya lang nakakarinig at si Ryus.

"YAAAAAAAAAAAAHHHHH!'"

"Hoy! Lirius! Nabibingi ako! Huwag ka!"

"YAAAAAAAAAAAHHHH"

"Hay kulit talaga!"

Napailing na lamang si Ryus at maging sya ay nakakaramdam ng kaligayahan sapagkat kapiling nya ang kanyang kapatid.

Nang marating nila ang company building ni Hunter ay dumiretso sila sa palapag kung nasaan ang opisina ni Luke.

Nakasalubong nila ang isa sa mga empleyado ni Hunter.

"Ikaw ba ung bagong secretary ni Sir Hunter?"

"Ah oo ako nga."

"Halika sumama ka sa akin. Tuturo ko ung table mo."

Sinundan nila ang babae at tumigil sila sa isang cubicle. "Dyan mo ilalagay ung mga gamit mo. Sayo yang table na yan. Pero mostly kasi marami kang aasikasuhin kaya hindi ka masyadong makakaupo. Ako nga pala so Julie. Ako ung inutusan ni Sir na iorient ka."

Inalok nito ang mga kamay kay Ryus. Samantala, nakangiting pinapanood lang ni Lirius ang bawat kilos ng kapatid.

"Ako si Ryus. Nice to meet you!" Tinanggap nya ang kamay ni Julie.

"Nice to meet you too! Kung may kailangan ka, sa akin mo lang itanong. At oo nga pala. Bilin sa akin ni Sir Hunter na sa oras na dumating ang bago nyang secretary eh paderetsuhin ka lang nya sa kanyang opisina."

Bigla namang naexcite si Lirius. "This is it. This is it. Sa oras na makita mo si Hunter, yayain mong magdate."

Sinamaan sya ng tingin ni Ryus. At muling ibinaling ang kanyang tingin kay Julie.

"Sige, Julie. Salamat."

***

Nasa harap na sila ng pinto ng opisina ni Hunter. Pinagiisipan ni Ryus kung ano ang gagawin nya para hindi mainis ang lalaki sa kanya. Kinakabahan sya sa hindi malamang dahilan..

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerWhere stories live. Discover now