Chapter 9

28 2 0
                                    


Mission

Ryus Jasmine Alfaro.

'Ang aking kapatid kay ama.'

'Kaya pala pamilyar ang mga mata nya.'

'Kaya pala magaan ang loob ko sa kanya.'

'Kaya pala...'

'Kaya pala noong araw na iyon na inakala kong patay na sya ay hindi ko sya nakitaan ng kahit anong senyales ng kamatayan.'

'Kaya pala siya ang gusto kong babae para kay Hunter.'

'Dahil sya ang kapatid ko.'

'Ang kapatid kong inakala kong matagal nang wala.'

'Yung sinabi ni Dad noon, na "she's still... she's still alive ang ibig nyang sabihin.'

Yaan ang mga pumapasok sa isip ngayon ni Lirius.

Kasiyahan at pagkaulila ang nabuhay sa kanyang kaluluwa mula nang narinig nya ang pagpapakilala nito.

"Uy, ikaw! Multo. Anong pangalan mo? Huwag madaya! Sinabi ko ung akin kaya sabihin mo ung sayo."

"Matutuwa ka ba kapag nalaman mo kung sino ako?"

"Hhmm, depende? Kung maganda ung pangalan mo? Kaya dali na! Pakilala ka na!"

"Ako....

Ako.. si Lirius Jayne Alfaro."

Saglit na katahimikan ang naghari sa kanilang dalawa. Tila gaya ng naging reaksyon ni Lirius kanina ay ganun din ang naging reaksyon ni Ryus.

"T-teka! A-ano ulit!"

Lumapit si Lirius kay Ryus. Nais nyang maluha ngunit hindi nya magawang maglabas ng luha. Tanging damdamin lang ang mayroon sya.

"Ako to! Jasmine. Si Lirius mo! Miss na miss na kita!" Hindi na napigilan ni Lirius at lumapit pa sya kay Ryus na ngayon ay umiiyak na rin. Niyakap nya ito kahit hindi nya ito magawa.

"L-lirius? I-ikaw?"

"Oo, ako to! Hindi din ako makapaniwala. Nagkita tayo ulit. Akala ko patay ka na! Sabi kasi nila noon nung pagkagising ko sa ospital, wala ka na daw. Pasensya ka na Jasmine. Hindi kita nahanap. Im sorry!"

Saglit na hindi nakapaniwala si Ryus sa nga narinig. Maya maya pa ay ginantihan nya ng yakap si Lirius kahit pa hindi nya ito tuluyang magawa. At dito na sya humagulgol.

"S-sorry din, Lirius. Hindi ko nagawang magpaalam sayo. Hindi man lang ako nakabalik sa inyo. Patawad. Miss na miss din kita."

"Teka, ano bang nangyari habang tulog ako?"

"Parehas tayong nadala sa ospital. Pagkagising ko, pinaalis na ako ng mommy mo. Makakasama daw sayo ung paglapit ko sayo dahil daw sa akin kaya naospital ka din. Hindi pa ako nagdalawang isip kaya umalis na ako nun. Pumunta ako sa kapatid ng nanay ko at sya na ang kumupkop sa akin."

"Si mommy. Paano nila yun nagawa? Nagsinungaling sila sa akin. Pinagluksa kita sa wala!"

"Hayaan mo na yun! Ang mahalaga ay magkasama tayo ngayon! T-teka! I-ikaw? Bakit ka... multo? Bakit ka nangiiwan ha? Bakit ka namatay? Sinong pumatay sayo ha? Sabihin mo! Papatayin ko!"

"Masaya ako sa piling mo ngayon, Jasmine. Tsaka ko na ipapaliwanag lahat. Magbonding muna tayo. Namiss kita!"

"Namiss ko din ung kulitan natin. Kaso nga lang, nakakainis ka. Hindi mo man lang ako makakasama ng buhay."

"Hindi na yun mahalaga. Yehey! Kasama ko na ulit ung kapatid ko. Thank you Lord! May magandang naidulot pala ang pagkawala ko!"

"Hehe sira ka talaga! Hindi ka pa rin nagbabago! Tara na nga! Magkwentuhan tayo."

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerWhere stories live. Discover now