Chapter 20

21 2 0
                                    

Jealous

Inis na inis si Ryus ngayon na nasa kalukuyang nakaupo sa kanyang cubicle. Isang linggo na ang nakaraan ng mangyari ang gabi yun at hanggang ngayon ay hindi sila nakakapagusap ng maayos ni Hunter.

Napupuyat sya gabi gabi dahil sa kakaisip tungkol sa nangyaring iyon. Hindi na rin nya naikwento sa kapatid ang tungkol doon dahil baka aasarin sya nito. Kaya naman ay lagi syang kinukulit ng kapatid kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila. Sinabi na lang nya na nagaway sila.

"Sissy, makipagbati ka na sa kanya please!" Kanina pa ang pangungulit sa kanya ni Lirius. Hindi naman nya ito pinapansin dahil marami pa syang mga gawain.

"Hays! Uy jasmine!" Kulit ulit nito.

"*sigh*Madami pa akong gagawin. Tsaka na lang." Sabi nya at tumayo na. Magpupunta ito sa may rooftop at doon na lang itutuloy ang ginagawa. Mas gusto nya kasi doon dahil mahangin at nakakapresko.

Pagkabukas ng elevator ay lumabas si Luke. Nung una ay natigilan si Ryus ngunit ng magsalita na ito.

"Ryus? Ikaw pala! Kamusta na?" Bati sa kanya nito.

Hindi muna sya nakasagot agad. Syempre naman, andyan ang crush ng lola nyo. Syempre kinikilig yan.

"Ah-eh L-luke." Nauutal na sabi nito.

"Teka? Saan ka pupunta?"

"A-ako..ah.. eh.. sa ano.. saan kasi.." Nakalimutan ni Ryus kung saan nya talaga balak pumunta.

"Saan?"

Sa wakas at naalala na nya. "Sa ano pala.. sa rooftop hehe."

"Rooftop? Anong gagawin mo dun?"

"Dun ako magtatrabaho. Nakakarelax kasi dun."

"Hhhmmm, ganon? Sige sama ako."

"Ha? Sama ka? Eh ano bang ginagawa mo rito?"

"Ah dapat pupuntahan ko si Hunter kaso mas mukhang masaya ka kasama kaysa sa kanya. Ang sungit kasi nun. Sayo na lang ako sasama."

Kinilig naman si Ryus. Feeling teenager lang ang peg. "G-ganon. Oh sige."

Nagtungo na sila sa rooftop. Naupo sila sa may gilid.

"Totoo nga. Nakakarelax dito ah." Sabi ni Luke habang nakasandal sa may bakod.

"Oo naman. Kaya nga minsan, dito ako nagtatrabaho."

"Hhhmmm, ang galing mo ah." Sabi niya kay Ryus.

Nagtaka naman si Ryus. Saan sya magaling?

"Huh?"

"Hahaha... wala. May nalaman kasi ako tungkol sayo."

Napakunot noo si Ryus. "Ano yun?"

Napailing na lang si Luke. "Masama ang magtago ng katotohanan. Ryus."

Parang kinabahan si Ryus sa narinig mula sa lalaki. Ngunit maya maya lang ay tumawa ito.

"Alam ko namang sasabihin mo din balang araw sa kanya."

"A-ano bang sinasabi mo?"

Napaseryoso si Luke. "May kilala akong private investigator. At ung taong yun ay binayaran ni Hunter para hanapin kung sino man ung nakabangga sa kapatid mo...."

Nanlaki ang mata ni Ryus.

"At sinabi muna nya sa akin ang nalaman nya. At nung pagkasabi nya sa akin kung sino ung taong yun. Sinabi ko sa private investigator na ako na ang magsasabi kay Hunter. Kaso nakita kita kaya mas mabuti kung ikaw na. Ikaw dapat ang magsabi sa kanya."

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerWhere stories live. Discover now