Chapter 11

21 2 0
                                    

Don't you Dare

Tatlong linggo mula nang naging secretary ni Hunter si Ryus. Walang pinagkaiba sa pakikitungo nila sa isa't isa. Masungit pa rin si Hunter at hindi makikitaan ng kahit isang tipid na ngiti. At si Ryus naman ay nagtitimpi lamang upang maiwasang mainis kasungitan ng kanyang boss. At si Lirius naman ay nahihirapan sa sitwasyon ng dalawa. Hindi nya alam kung paano paglalapitan ang mga ito.

Sa tatlong linggo na yun, nakikita lamang ni Ryus si Hunter sa tuwing magpapatimpla ng kape at pagpunta nito sa mga meetings.

"Ang sungit talaga! Kainis!" Sabi ni Ryus pagkalabas nya ng opisina ng boss. Dumiretso sya sa kanya cubicle at doon kasalukuyang nakatambay si Lirius.

"Mukhang badtrip ka ngayon, Jasmine ah!" Mapangasar na sabi ni Lirius.

"Ano pa bang bago sa asawa mo?! Araw araw naman akong ganito!"

Naupo sya sa upuan samantalang nakaupo si Lirius sa mesa.

"Ayos ka lang, Ryus?" Tanong ni Julie sa kanya.

"Ah oo. Di ka pa ba sanay sa ganitong itsura ko pagkagaling ko sa boss natin." Mahinang sabi nya sa katrabaho.

"Haha.. sanay na! Hayaan mo na! Ganyan talaga si Sir Hunter mula nang mamatay ung asawa nya."

Napatingin si Ryus kay Lirius na kalmado lang na nakikinig. Nakaisip ng magandang ideya si Ryus.

"Anong itsura nung asawa nya?" Pagmamaangmangan ni Ryus.

"Hhmmm, maganda sya."

"Mabait?"

"Mabait."

"Mahal nila ang isa't isa?"

Napatigil si Julie sa tanong ni Ryus. Nagkibit balikat lang ito at itunuon na lang sa knyang laptop.

"Di ko masasabi yan! Sila lang ang nakakaalam nung mga nararamdaman nila. Pero sa tingin ko, mahal naman nila ang isa't isa kahit inarranged marriage lang sila."

"Teka may naalala ako!" Biglang sabi ni Lrius. Tinignan sya ni Ryus ng 'what-is-it' look.

"Yang si Julie. Siya ung dating sinabi ni Peter, ung kaibigan ni Hunter na namatay dati, na babaeng mahal nya. Siya pala yun. Kaya parang pamilyar ung pangalan."

Ipinagpatuloy na lamang ni Ryus ang ginagawa. Hindi naman sya ginulo ni Lirius ngunit maya-maya lang ay ipinatawag na naman sya ni Hunter.

Bumalik sya sa opisina nito. Pumasok sya at naabutan nyang natutulog ang boss nito sa sofa. Sumunod din si Lirius ngunit pinanood nya lang si Ryus.

'Ano to? Pinatawag nya lang ako para saan?' Bulong nya kanyang isip.

Lumapit sya sa boss nya at akmang gigisingin nya ito ng may ibunulong ito..

"Jayne."

Napatigil si Ryus. Ramdam nya ang kalungkutang bumabalot ngayon sa lalaki. Tila nga mahal na mahal nito ang kanyang kapatid.

"Di ako mapapanatag kung mawawala ako sa lupa nang hindi ko man lang masilayang masaya si Hunter. Sana Jasmine, magawa mo to. Sana mahalin mo sya higit pa sa pagmamahal na nadama ko sa kanya. Kailangan mo nang magsimula ngayon meron na lang akong kulang-kulang na anim na buwan." Pagsisimula ni Lirius.

Napabuntong hininga na lang si Ryus. Ayaw nyang biguin ang kanyang kapatid kaya nga mukhang kailangan nyang magsimula sa lalong madaling panahon. Kahit na ano pa ang kahahantungan nito ay handa nyang gawin alang alang sa kapatid.

'I guess kailangan kong maging clingy sayo kahit hindi pa tayo close.' Sa isip nya.

Tinitigan ni Ryus nang mabuti ang mukha ng gwapong lalaki. Kung titignan mo ito ay mayroon syang matangos na ilong, mahahabang pilik-mata, perpektong mga kilay, makinis na balat at ang labi nito na malambot. Tila nga yata napakagwapo ng nilalang na ito at ngayon nya lang napagtanto iyon dahil na rin sa pagpapakatitig nito sa kanyang mukha.

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon