Chapter 12

19 2 0
                                    


Forgiven

"Hayy, nakakainis talaga yang asawa mong wala nang ibang magawa kundi magsalita ng english. Ung totoo nagtatagalog ba yun? Tsaka wala syang karapatan na tawagin akong bitch. Tsaka ang feeling nya! Feeling nya ang pogi pogi nya, pweh!! Eh muntik na akong masuka sa mga pinagsasabi ko. Ang sarap nyang sakalin! Arrrghhhhh! Kung pwede lang talaga, napatay ko na sya kanina. Ang hangin hangin nya! Ang yabang yabang nya! Wala syang karapatang ipagmukha sa akin na ginamit ko lang ang kamatayn mo para makuha sya. Excuse me lang noh? Wala akong interes sa kanya. Nakakasuka! Eeewww."

Naiinis na pagmamaktol ni Ryus sa kanyang kapatid. Sila ngayon ay nasa kwarto ng dalaga. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin si Ryus sa mga sinabi na lalaki.

"... Desperate to get him? Pwe! Kadiri! Kala mo kung sino eh ang pangit naman! Ang pangit nya talaga. Urrrgghhh!"

Nakikinig lamang si Lirius at pinipigilang tumawa.

".... I don't go on dates pero nakipaghalikan sa ibang babae kahit may asawa na? If I only knew, may tinatago ding kalandian yang asawa mo! Bakit sino ba sya? Ginagawa ko lang to para sayo pero never.. never ko syang magugustuhan kahit sya pa ang pinakhuling lalaki sa mundo.."

Hindi na napigilang tumawa ni Lirius. "Hahahahahahahaha! Ang epic nang mukha mo sissy! Kakatuwa! Namumula ka na sa inis!"

"Hoy tumigil ka nga! Dapat nga ay nagalit ka sa asawa mo kasi ginanun nya ung kapatid mo. Hmmmpp!"

"Hahahaha, pffft! Sorry! Ikaw kasi eh! Nakakatawa! Bakit mo kasi ginawa yun?! Eh wala naman talagang maniniwala sayo! Kahit pa siguro kung nabubuhay ako ngayon eh hindi din ako maniniwala!"

"Hay, oo na! Oo na! Matutulog na ako at huwag ka nang dumaldal dyan! Di ako makatulog sayo! Bantayan mo na lang ako! Baka may mangrape sa akin!"

"Ppfftt! Sino naman mangrerape sayo?! Ung adik sa kanto?!"

"Tse!! Tahimik na!"

"Sige po, maam! Maam stupid crazy woman!"

"Aiiissttt! Ang kulet!"

"Eto na eto na!"

***
Kinabukasan, di alam ni Ryus kung saan sya huhugot ng kapal ng mukha para makapasok sa opisina. Hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa rin sya sa nagawa kahapon. At hanggang ngayon ay inis pa rin ito sa lalaki.

Pagkalapag ng gamit nya sa kanyang cubicle ay dumiretso sya agad sa opisina. Hindi naman kasama ngayon ni Ryus si Lirius sapagkat nanatili lang ito sa bahay nya dahil ang gusto nito ay hayaan muna si Ryus na magisa at matahimik ng walang multong gumagabala sa kanya.

Hinugot nya ang kanyang lakas sa dahan-dahang pagbukas nya sa pinto. Hihingi sya sana ng tawad sa kanyang boss at kung pwede ay makikipagbati kahit di naman sila close.

Ngunit hindi lamang si Hunter ang naroon din sa opisina ang nanay ni Lirius. Natigilan sya at tila nawalan ito ng lakas para gumalaw. Kilalang kilala nya ang itsura ng nanay ni Lirius sapagkat mukhang hindi ito tumanda sa paglipas nang panahon dahil mukha pa rin itong bata.

Gustong maging masaya ni Ryus ngunit alam naman nyang ayaw nito sa kanya sa simula pa lang.

"Don't you know the word 'knock'?" Halatang mababakas pa rin ang galit ni Hunter sa pagsasalita nito.

Hindi naman sumagot si Ryus sapagkat nawalan talaga ito ng lakas ng makita si Mrs. Alfaro. Kahit hindi sila naging close ng nanay ni Lirius ay itinuring nya pa rin itong nanay. Hindi din maaalis na sya ang nanay ng kanyang pinakamamahal na kapatid.

"Is she your new secretary? Hunter?" Tanong ni Mrs. Alfaro. Mas lalong nanghina si Ryus sa narinig na boses ng ginang. Tila gusto nyang maluha sa mga oras na iyon.

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon