Chapter 8

29 2 0
                                    


Ryus

Dali daling sinundan ni Lirius ang babae kanina. Ngunit naikot nya na ang palapag na iyon ng hindi sya nakikita.

Nagtataka din si Lirius kung bakit ngayon na lang nakita iyon sa lugar na iyon. Tingin nya ay hindi naman iyon isang empleyado dito.

"Angely, tingin mo baka multo din ung babaeng yun?"

"Hindi naman po siguro. Nakabangayan nya ho ang asawa mo."

Napaisip si Lirius. May punto ang bata.

Nagtungo sila sa mga sumunod pang palapag. Sa pagtigil ng elevator sa may first floor, doon nila nakita ang babaeng kanina panila hinahanap. Dali-daling tumakbo patungo sa babae si Lirius at sumunod lang si Angely.

Ngunit doon naglakad palayo ang babae. Sumakay ito ng motorsiklo na nakaparada lang sa gilid ng building.

"Bakit hindi sya nagpark sa may basement?" Tanong ni Angely.

"Hindi ko alam. Baka gusto nya makaalis agad. Tara sundan natin."

"Paano natin sya susundan? Nakamotor sya."

Nainis si Lirius dahil may punto na naman ang bata. Tila nabawasan ang taglay nyang katalinuhan mula ng mamatay ito.

"Hayss, pano yan!"

"Sakay na lang po tayo ng taxi. Tapos po pag sa iba na pupunta ung taxi. Labas na lang po tayo tutal hindi naman tayo bumabangga sa pader."

Napatingin si Lirius kay Angely at nagthumbs up.

"Talino mong bata ka! Tara dun tayo sa taxi yun! Habang di pa umaalis! Dun din yata sila patungo sa direksyon nung babae."

Tumakbo sila patungo ng taxi. Pumasok sila ng walang kahirap-kahirap at naupo katabi ng babae at lalaking magkasintahan. Ang bata naman ay nasa harapan, katabi ng driver's seat.

"Manong, Stella's Village po!" Sabi nung babae.

Pinaandar na nung driver ung taxi. Habang ang walang kamalay malay sa mga multo na magkasintahan ay tuloy lang sa paglalambingan.

"Angely, natatanaw mo pa ba sya?"

"Medyo, pero siguro maya maya, hindi ko na sya matanaw kasi nakamotor sya. Andali lang nyang malulusutan ung mga kotse."

"Hhmmm, do your best para di maalis ung paninngin mo sa kanya ah."

"Opo."

Samantala, bigla namang nakaramdam ng lamig ang magkasintahan lalo na ang babae lalo pa't katabi nito si Lirius.

"Babe, nakaramdam ako ng lamig."

"Ganun ba babe. Baka lumakas lang ung aircon." Sabi nung lalaki atsaka hinubad ang jacket na suot at tinakip sa nilalamig na katawan ng babae.

Sa nakita, naalala ni Lirius si Hunter. Nalungkot sya ng maisipang hindi nya na muling mararamdaman ang ganitong pagaaruga mula sa kanyang asawa.

***

Tumigil ang taxi sa Stella's Village. Mga magkakadikit na bahay. Doon kasi nakatira ang magkasintahan.

Napilitan na ring bumaba si Lirius at si Angely. Nawala na rin sa kanilang paningin ang babaeng kanilang sinusundan.

"Pano na yan? Nasaan na sya?"

"Libutin po natin ang village na ito. Baka andito lang sya."

"Sige."

Akmang maglalakad na sana sila nang may nakitang lumabas na nurse sa isang bahay na malapit sa entrance ng village.

Namumukhaan ni Lirius ang nurse na ito. Nakita nya na ito dati, pilit nya itong inaalala at....

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerWhere stories live. Discover now