Chapter 13

22 2 0
                                    

Help

"Talaga, Jasmine. Nakausap mo si mommy?"

"Oo nga, at alam mo ba, hindi na sya galit sa akin. Ang sabi pa nga nya ay ituturing nya ako bilang isang tunay na anak at babawi rin sya sa akin."

Nakauwi na si Ryus sa kanyang bahay. Ikinuwento nya na rin kay Lirius ang nangyari nang araw na iyon.

"Masaya akong marinig yan. At least pala, hindi lang si Hunter ang mababantayan mo, pati na rin pala ang nanay ko."

Ngumiti sa kanya si Ryus. "Oo naman. Mas tiyak na mas gusto kong alagaan ang nanay mo at hindi yung judgmental mong englisherong asawa."

"Ay oo nga pala. Paano na yan? Di ka na nya secretary?"

"Ayus lang yon. Marami pa akong mahahanap na trabaho."

"Tangek! Hindi yun yung ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin eh paano kana mapapalapit nyan kay Hunter?"

Nahiga naman sa kama si Ryus. "Yan talaga ang inisip mo. Eh alam mo namang tinawag nya akong slut at bitch. Desperate to have him? In his dreams!"

Nahiga din si Lirius. "Sorry, Jasmine."

Tumingin naman sa kanya si Ryus at ngumiti. "Ayos lang."

***

Kinabukasan, nagising si Ryus sa tawag ng kanyang pinsan.

"Jas! Gising ka na! May bisita ka!"

'Sino naman kaya ang bisita ko?'-Ryus.

Napatingin sya sa kanyang tabi. Wala doon si Lirius. Nasaan sya?

Bumangon si Ryus at naghilamos muna at nagbihis upang magmukhang maayos sa harap nang bisita. Lumabas sya ng kwarto at dumiretso sa sala kung saan naroon daw ang kanyang bisita.

"Ikaw?!"

Gulat na sigaw ni Ryus sa kanyang bisita. Walang iba kundi ang ubod ng sungit na si Hunter. Samantala, katabi nya si Lirius na inaasar sya sa kanyang mga tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" Painis na sabi ni Ryus.

"Mrs. Alfaro asked me if I can fetch you and bring you to her place. I searched for your resume and checked for your address. So don't talk to much, stupid crazy bitch. It's annoying me! Let's go." Walang kaemo-emosyong sambit ni Hunter at lumabas na ng bahay.

Napairap na lang si Ryus kay Hunter. At lumabas na din nang bahay. Sinundan naman sya ni Lirius.

"This is it! Kala ko wala na! Meron pa pala!" Nangaasar na tono ni Lirius.

"Bad morning, isn't it?"

***

Buong byahe ay tahimik lang sila. Bakit? Dahil parehas sila nang nararamdaman, pagkainis sa isa't isa.

"M.U kayo no?" Tanong ni Lirius na nakaupo sa may backseat. Si Ryus ay nasa may passenger's seat.

Tinignan sya ni Ryus sa salamin at binigyan ng 'what-are-you-saying' look.

"Mutual Understanding. Parehas na naiinis sa isa't isa. Mutual feelings is reigning the atmosphere. Pfftt."

Napailing na lang si Ryus sa inaasta ng kapatid. Ngunit maya maya pa ay nagsalita si Hunter.

"I don't care if you are the lost sister of my wife. So don't expect too much from me. My act towards you won't change. You are still a stupid crazy bitch for me. You are really a way more different to my wife. Because my wife is good as an angel unlike you."

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerWhere stories live. Discover now