Chapter 16

37 2 0
                                    

Getting closer

Ngayon na ang pagalis ni Hunter at ni Ryus papunta sa Pampanga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ni Ryus sa boss.

"Sana andun din si Luke." Bulong ni Ryus kay Lirius na katabi nya. Nasa sasakyan sila at sya ngayon ay nasa backseat kasama ni Hunter. May driver kasi.

"Grabe ka. Kay Hunter ka lang. Mas pogi ang asawa ko kaysa dun sa friend nya."-Lirius.

"Eh sya ung type ko, hindi ung asawa mo." Mahinang bulong ni Ryus.

"Are you saying something?" Tanong ni Hunter nang napansin nyang parang nagsasalita si Ryus.

"Ah-eh wala ho, sir. Nagdadasal lang po ako." Pagdadahilan ni Ryus.

"Dasal? Tss. And oh by the way, here's the neck pillow. This is yours and this is mine." Sabi ni Hunter sabay abot kay Ryus yung neck pillow na purple. Kay Hunter ay ung red.

"Salamat."

Buong byahe ay tahimik lang sila. After 2 hours ay narating nila ang Pampanga. Tumuloy sila sa isang hotel at kumuha si Hunter ng dalawang kwarto.

"You're lucky. Your boss gets you a room. An expensive one." Pagmamayabang ni Hunter.

Si Ryus naman ay tahimik lang.

Nang nakalabas na sila ng elevator ng hotel. Dumiretso sila sa room nila. Magkatabi ang kinuha ni Hunter para sa kanilang dalawa.

Pumasok agad si Ryus sa kwarto at dumiretso sa higaan.

"Hoy, Jasmine. Bakit hiwalay kayo ng kwarto?" -Lirius

"Grabe naman. So kailangan, magkasama kami sa isang kwarto?"-Ryus.

"Aba syempre!"-Lirius.

"Sira!"

Nahiga din si Lirius sa kama at nakatulog nang tuluyan si Ryus.

***

Naramdaman ni Ryus naman may malakas na boses sa kanyang kwarto. Napabalikwas sya ng higa at nakita si Hunter na galit na ginigising sya.

"Stupid crazy bitchy sleeping beauty wanna be! What kind of a secretary are you?! We need to go now. I have many things to do."-Hunter.

"Sorry po, Sir. Nakatulog siguro dahil sa pagod." -Ryus.

"Okay. Fix yourself. I'll wait for you." Sabi ni Hunter tapos ay nagtungo sa gilid ng kama at nahiga.

Umurong naman si Lirius para hindi sya matamaan ni Hunter kahit pa na hindi naman sya matatamaan.

"Nadagdagan ang tawag nya sayo." Nagpipigil na sabi ni Lirius kay Ryus na ngayon ay nakakunot noong nakatingin kay Hunter sa kama.

Hindi na sya nagsalita pa at naligo at nagbihis. Pagkalabas nya ay naabutan nyang nagcecellphone si Hunter. Dalawa nga ang hawak na cellphone nito. Yung binili nyang kahapon.

"Sir. Tapos na po." Sabi ni Ryus. Tumingin naman si Hunter sa kanya. Tumayo sya at lumapit kay Ryus. Ibinigay nya ang isang cellphone kay Ryus.

"This is for you. I will be calling you with this number. No need for your other phone." Sabi ni Hunter at duniretso na sa labas. Tumingin si Ryus kay Lirius.

"Tara na." Yaya ni Ryus.

Umiling lang ang multo. "Kaya mo na yan. Makakaistorbo lang ako." Tapos ay ngumiti ito na nakapangaasar.

"Oh sige. Ingat ka dito." Sabi ni Ryus.

"Ako talaga? Ikaw, magingat ka din!"

***

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerWhere stories live. Discover now