Chapter 15

29 2 0
                                    

Love at first sight?

Isang linggo na ang nakakalipas, ngunit wala naman masyadong nagbago. Masungit pa rin si Hunter kay Ryus. Ang nagiba lang ay ang pakikitungo din ni Ryus. Di na sya masyadong nagsasalita sa harap ni Hunter sapagkat baka kung ano na naman ang masabi nito. Si Lirius naman ay naiintindihan kung bakit ganun ang inaasta ng kapatid, ngunit hindi naman nya masisisi ito dahil alam nyang below the belt na ang nasasabi ni Hunter.

"Sissy, tumatawag si mommy!" Sabi ni Lirius kay Ryus na busy sa ginagawa.

Tumingin naman si Ryus sa kanyang cellphone at doon nga nakitang tumatawag ang nanay. Dali-dali nya ito sinagot.

"Hello,mama?"

[Anak, may good news ako sayo!]

"Ano po yun?"

[Merong kailangang gawin si Hunter sa Pampanga at alam mo ba? Sya mismo ang nagpaalam sa akin kung pwede kang isama.]

Nagulat si Ryus sa sinabi nang nanay. Hindi dahil sa ginawa ni Hunter kung di tungkol sa pagsama nya dito.

"Ano ho ma? Teka, bakit kailangan po ako kasama?"

[Kasi secretary ka, tsaka baka kailangan ng tulong ni Hunter. Kaya sumama kana. Nahihiya lang siguro yun sayo.]

"Sige ho, ma."

[Sige, anak. Sigurado akong magiging close mo si Hunter pagkatapos nito. Goodbye. I love you.]

"I love you din po! Bye."

At natapos ang tawag. Si Lirius naman ay todo ang ngiti sa kapatid.

"Oh? Ano? May chance pa di ba?"-Lirius

Napabuntong hininga na lang si Ryus. Mula nang araw na kasi yon ay ayaw nya nang ientertain ang pagkainis nya kay Hunter. Makakasama din kasi sa kanya yun lalo pa at sa puso nya. Parehas sila ni Lirius nang sitwasyon ngunit mukhang nalimutan na ata yun ng kapatid kaya wala syang alam sa sitwasyon ng kapatid.

Mayaya lang ay tumunog ang telepono. Sinagot nya ito dahil dito tumatawag ang kanyang boss.

[Come to my office.]

"Okay po." Matamlay na sagot ni Ryus.

Inend nya na ang call at dumiretso na sa opisina ni Hunter. Si Lirius ay naiwan. Pagkapasok na pagkapasok ay nakita nya si Hunter na nililigpit ang mga gamit nito. Mukhang aalis.

"Ano po yun, Sir?" Simpleng tanong ni Ryus.

Tumigil naman sa ginagawa si Hunter at tinignan ang dalaga. "I will gonna buy something." Simpleng sagot nito.

Hindi alam ni Ryus kung ano ang gagawin nya kaya. Kaya magalang itong tumango kay Hunter at yumuko. Baka kasi may sasabihin pa.

"I want you to come with me." Sunod na sabi ni Hunter.

Napaangat ang tingin ni Ryus. "Okay po."

Samantala, si Hunter naman ay naiinis. Isang linggo syang walang kabangayan sa opisina. Hindi nya alam pero gusto nyang inaaway ang sekretarya.

"Do you have something to say?" Tanong ni Hunter.

Dahan-dahang umiling ang dalaga. Sa totoo lang, ayaw na kausap ni Ryus ang boss nito dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sya rito.

"Did your mom already called you?"

Tumango si Ryus.

"Did she say something about a certain business matter to you?"

Tumango ulit si Ryus.

"And?"

Napakunot-noo si Ryus. Ano ba ang ibig sabihin ng lalaki? May kailangan bang sabihin si Ryus?

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerWhere stories live. Discover now