Chapter 19

15 2 0
                                    

Her ways

"Sissy! Good news yan. Masosolo mo si Hunter. Ayiiieeee." Pangiinis nya sa kanyang kapatid matapos nitong magkuwento sa kanya.

"Che! Ang arte kasi! Magrereklamong magisa daw sya eh bakit hindi na lang sya kumuha ng tauhan. Ako pa ang nakita."

Papasok sila ngayon sa opisina. Ilang araw din kasi syang hindi nakapasok.

"May ibig sabihin lang yun. Gusto ka nyang kasama."

"Tumahimik ka nga. Kadiri." Napahagikgik lang si Lirius. Namumula kasi ang dalaga.

Pagkapasok nila sa opisina ng boss ay dumiretso ito agad sa kinaroroonan nito.

"Sir, andito na ako ulit." Masayang bati ni Ryus.

Lumingon sa kanya si Hunter. "Buti naman nakapasok ka na. May hiya ka pa pala."

"Grabe ka naman sir. Eto na nga oh. Andito na ako ulit. May gusto ka ba sir?"

Si Lirius ay may iniisip. Iniisip nya ang gagawin para mas lalong mapalapit sila sa isa't-isa.

"Coffee. Bilhan mo din ako ng almusal. Hindi pa ako nagalmusal." Sagot ni Hunter.

"Oww? Hindi ka pa. Sige sir. Anong gusto nyo?"

"Bahala ka. Yung masarap no?"

"Tss. Utak ng baboy, gusto mo?"

Sinamaan lang sya ng tingin ni Hunter.

"Hehe, joke lang! Eto na nga po." Lumabas na si Ryus. Sumunod na lang si Lirius.

"Anong paborito ng asawa mo lalo na pag almusal?" Tanong nya dito ng nakapasok na ito sa elevator.

"Hhhhmmm, mahilig sya sa ham tsaka tinapay tapos kape. Yun lang ung lagi nyang kinakain nun. No rice."

Napangiti si Ryus. Mukhang may binabalak.

Nagpunta sila sa isang pinakamalapit na carinderia sa pinagtatrabahuan nya. "Huy bakit dito ka bibili? Baka ayaw nya dito?" Nagpapanic na sabi ni Lirius.

"Subukan lang nyang hindi kainin ung binili ko. Lagot sya sa akin."

Namili na ng bibilhin si Ryus. "Ate, dalawa nga pong order ng longsilog tapos isang ginisang ampalaya."

"Waaaahhh, Jasmine. Ayaw nya sa ampalaya."

Tinignan sya ni Ryus. "Trust me. Papalamon ko sa kanya yun."

Wala nang nagawa si Lirius. Nang nakuha na nila ang order ay bumalik na ito sa opisina ng boss nya.

Napakalapad ng ngiti ni Ryus ng pagkapasok nito.

"Sir. Andito na ho almusal. Kumain na po tayo." Yaya sa kanya ni Ryus.

Nakakunot noong tumingin sa kanya si Hunter. "Tayo?"

Tumango si Ryus. "Yes, tayo. Masaya pag may kasabay. Tsaka hindi pa din ako nagalmusal no."

"Okay, ihanda mo na."

Inihanda na ni Ryus ang pagkain ng may ngiti sa labi. Si Lirius ay napailing na lang sa iniisip ng kapatid.

"Sir, ready na." Tumayo na si Hunter at lumapit sa sofa.

Natigilan ito sa nakita.

"I won't gonna eat this." Pagrereklamo nito.

"At bakit naman ho sir?"

"Hindi ako nagrarice sa almusal and I hate ampalaya."

"Oh? Kala ko ba kahit ano basta masarap? Masarap to no?! Tsaka nagpagod pa ako para lang bilhin to tapos hindi mo kakainin. Sige bahala ka dyan. Ako na lang ang kakain. Gutom na ako. Kung ayaw mo, ikaw ang bumili."

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon