Chapter 45: Answers and Fairytales

874 30 10
                                    

Kinakabukasan, halos hindi pa nakakarecover si Mika sa naganap na proposal pero may panibagong surpresa agad si Ara. Kundangan ba namang kasal na pala nila ng araw na 'yun. Ewan n'ya kung pano s'ya naka-adjust sa mabilisang pangyayari. Basta sa isang iglap nasa isang kwarto na s'ya ng mansion ni Ara—ng masion nilang dalawa—at inaayusan. Hindi na n'ya maintindihan ang mga sumunod na pangyayari basta inayusan s'ya habang nagsisihanda ang mahahalagang tao na makakasaksi sa gaganaping seremonya maya-maya. Pwede nang mapasok sa Guinness World Record ang shotgun wedding nila na talaga namang madalian. Hindi n'ya rin lubos na maunawaan ang mabilis na pagdatingan ng mga kaibigan nila na para bang sinadya ang lahat. Si Cienne at Carol ang nagsilbing make-up artist n'ya. Samantalang sina Kim, Camille at Aly naman ang tatayong banda mamaya at kakanta.

...

Saglit na naantala ang make-up session ng tatlo sa pagdating ni Kim.

"Special delivery!" Anunsyo nito dala ang sulat na galing kay Ara. Ipinagbawal kasi ng mga kababaihan—mainly Cienne and Carol— na wag muna magkita ang mga brides. Sumunod daw sa pamahiin.

Nang maibigay ang sulat ay agad iyong binasa ni Mika.

♬Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid to fall

But watching you stand alone

All of my doubt, suddenly goes away somehow ♪♬

Yari,

If I'd be asked who I love more. I really do not know. How can I compare what we have now to a love that has long been forgotten? I would never deny the fact that I did love her, but I love you now. You are my present Mika and I see my future with you, only with you; and I don't care if I have to prove every single day that there'd be no one else other than you.

You are perfect match for me, Yari ko. I love you so much to the extent I am willing to go against fate just to have you. Perhaps, I've been a coward before and just accepted things as they were but I could not possibly just allow myself to lose you. You are the answer to why it never worked with her. Maybe I met her and she became a vital part of my life for a brief moment so that I'd knew how it meant to love that by the time I met you, I could offer you my whole being without second thoughts.

Sobrang mahal na mahal kita. Huwag mo ng itanong kung kalian nagsimula dahil hindi ko rin alam. Siguro nabihag mo ang puso ko sa una palang nating pagkikita nang hindi ko namamalayan. Siguro nakuha mo ang pansin ko sa paggising mo sa akin para mag-agahan. Alam kong napagbantaan kita noong mga panahong 'yun kaya humihingi ako ng tawad. Patawarin mo ako kung masyado man akong nalunod sa lungkot at galit. Patawarin mo ako sa lahat ng mga pagkakamali ko sa'yo—pisikal man o emosyonal. Patawarin mo ako sa mga pagseselos ko na walang batayan—ang ganda mo naman kasi at napakabuti mo pang tao, andami ko daw kaagaw. Hindi mo lang alam pero andami kong pinag-selosan noon. Higit sa lahat, patawarin mo ako kung inabot man ako ng siyam-siyam bago makapag-tapat. Natagalan man, at least heto na tayo ngayon.

♫ ♪ I have died everyday, waiting for you

Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more ♫ ♬

Yari ikaw tumulong sa akin na unti-unting makaahon sa lungkot na kinasasadlakan ko. You made feel alive. I was once lost but you found me. Noong makilala kita nagsimula ako muling makaramdam. Akala ko manhid na ako habang buhay pero dumating ka. Halo-halong emosyon ang muli mong ipinadama sa akin. Ang takot nung makagat ka ng ahas. Akala ko may mangyayari sa'yong masama buti na lang at kinaya kong madala ka sa ospital nang mabilisan. Isa pa ay galit dahil sa pambubugbog sa'yo. Wala kang kalaban-laban at wala akong ibang gusto nung mga oras na 'yun kundi burahin sa mundo ang mga taong gumawa niyon sa'yo. Tapos malalaman-laman ko dumami pa 'yung pasa mo dahil kay Kim. Naalala mo ba 'yun? Ngayon ko lang aaminin na ako ang sumapak sa kanya.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon