Chapter 33: Cryptic Signals

3.5K 102 49
                                    


"Dominus ito na 'yung hinihingi mo." Ngiting-ngiting balita ni Red matapos ilapag ang isang piraso ng papel sa mesa ng nagpatawag sa kanila. Maging ang mga kasamahan n'ya sa Rainbow Gang (Oo,'yan na ang tawag sa kanila dahil nademote na sila mula sa Power Rangers. Harmless na daw kasi sila. Well, at least nasa minimal level na lang.) ay konting-konti na lang ay mapupunit na ang mga mukha sa sobrang pagngiti. Kitang-kita ang paghanga sa kanilang mga mata.

Mula sa pagkakatalikod ay iniharap nito ang swivel chair pagkatapos ay saglit na pinasadahan ng tingin ang papel at nagkomento, "Good. Nice work."

Hindi napigilan ng mga kababaihan sa harap n'ya ang mapasinghap sa paghanga. Kulang na lang ay maglupasay sila dahil sa husky nitong boses. Aba'y kung boses at boses din lang ang pag-uusapan, tiyak na marami ang sasang-ayon na mas gwapo pa ang boses ng nasa harap nila kaysa sa tunay na lalaki.

"You may go." Sa wakas ay tinapunan din sila ng tingin nito. The girls had dreamy eyes as they look at the person before them. Kumikislap-kislap pa nga yata.

"Sige po." Buong galang nilang sagot. Padiretso na sana sila sa labas at ilang hakbang na lang mula sa pinto nang muli tawagin nito ang kanilang atensyon.

"One more thing. . . pwede n'yo na s'yang hindi sundan. Pero, bantayan n'yo pa rin s'ya lalo na pag wala ako." Kikiligin na sana kanina ang mga lola n'yo. Akala kasi nila may chance na napansin sila kaso may dagdag na bilin lang pala.

"Noted dominus." Sagot nila pagkakuway tulayan ng nagpaalam.

...

"And that ends our lecture for today." Ang mga salitang iyon ng prof ni Mika ay hudyat na matapos ng isang oras at kalahati ay sa wakas tapos na rin ang kanilang klase, ang kanina pa n'ya pinakaiintay. Sobrang boring ng propesor n'ya sa Clinical Psychology na wala pang 30 minuto silang nag-uumpisa ay gusto na n'ya agad hatakin ang oras. Ayaw na ayaw n'ya talaga ng subject na 'yun dahil sobrang nakakaantok si Dr. Rosaldez maglecture. Kung lehitimo lang sigurong trabaho ang pagbabasa ng bed time stories sa mga bata ay pihadong pag-aagawan ito ng mga kompanya. Bukod sa boses nito, problema din at malaking tinik sa lalamunan ng mga estudyante ang pagkadisgusto ng may katandaan nang propesor sa mga natutulog sa klase. Sikat itong nagiging si Hitler kapag may nahuling pumupuslit kahit ng idlip lamang habang s'ya ang dumadaldal sa harapan ng classroom. Wala tuloy magawa si Mika kundi ang magtiis sa pamemeste ng sariling balat para manatiling gising.

"Antagal mo naman." Hindi maipinta ang pagkagulat sa mukha n'ya ng madatnan ang mala-bench model na pigura ni Ara sa gilid ng kanilang room. The latter was wearing a plain white shirt, gray pants and a pair of blue vans and a black G-shock on her left wrist. Her hands were in her pocket while casually leaning on the wall making her so damn gorgeous.

Napalunok si Mika bago nakaimik sa Adonis na sumalubong sa kanya, "A-anong ginagawa mo dito?"

"Bakit? Bawal ba ako rito?" Sa halip ay balik-tanong nito sa kanya.

"Tara na nga, kumain na tayo. Nagutom ako sa sobrang tagal mo." Wala sa sariling nahalit n'ya ang kanyang hininga nang walang kaabog-abog nitong inabot ang kamay n'ya saka naglakad ng matulin. Kung hindi n'ya pa naramdaman na parang nauubusan na s'ya ng hangin sa katawan ay hindi n'ya pa maalalang huminga ulit.

Katulad ng dati doon sila sa simpleng karindirya sila kumain. Wala silang imik habang nanananghalian dahil pareho silang busy sa nilalantakan nilang pagkain. Aba minsan lang ang mga pagkakataon na makakain sila ng tama sa oras sa university kaya lulubus-lubusin na nila. Kung sa kwan ay galit-galit muna ika nga.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon