Chapter 31: Alive with a Heartbeat Again

3K 90 65
                                    

Naglalakasang mga tunog, malilikot na ilaw at iba't-ibang mukha ng kalasingan ang sumalubong sa dalawa pagkarating sa Insomnia, ang isa sa pugad ng kasiyahan sa gabi ng Angeles. Hindi pa ganun kalalim ang gabi pero maingay at wild kung wild na ang mga tao. Bumabaha na rin ng mga customer kaya naman usad pagong sila bago umabot sa bar counter kung saan naisipan nilang tumambay pansamantala bago dumiretso sa dancefloor. Syempre, pampainit muna kumbaga.

"To our lives tonight and here after." Hiyaw ni Mika habang nakataas ang shot glass na hawak n'ya sa kanang kamay.

"Cheers." Tugon ni Ara kasabay ng pagtaas din ng kanyang baso.

"Whooh team yolo!" Sigaw pa uli ni Mika bago tuluyang sisirin ang alak na inorder at dahil nasa mood s'yang magpaka-wasted ay makailang ulit pa iyong nasundan hanggang sa unti-unti na lang n'yang naramdaman na umeepekto na sa kanya ang tama ng alkohol. Maya-maya pa'y tila may sarili nang buhay ang katawan n'yang sumasabay sa isang di pamilyar na upbeat song. Hindi nagtagal ay tuluyan na s'yang tumayo at naglakad papunta sa dancefloor. Konting kembot, taas ng kamay at pahapyaw na giling ang ginawa n'ya. Sakto lang ang bawat galaw na parang kalkulado. Hindi malaswa tingnan o ganun kasenswal ang dating ngunit sa kung anong rason ay marami pa rin ang naagaw ang pansin sa presensya n'ya pa lamang. Partidang balot na balot pa s'ya nun pero lampas sa mabibilang sa pinagsamang daliri sa kamay at paa ang naani n'yang malalagkit na tingin. Nagmistulan s'yang maamong tupa sa yungib ng mga naglalaway na leon. Para itong mga gutom na gutom na mga hayop na naghihintay lang ng tamang pagkakataon para umatake at ang inosenteng si Mika ay walang kaalam-alam dito lalo na sa mga bagay na tumatakbo sa isip ng kanyang kasama. Anomang oras ay maaari na itong makagawa ng karumaldumal na krimen dahil sa pagkadisgusto kung paano hubaran ng mga kalalakihang naroroon sa kanilang mga isip ang dilag. Kundi lang siguro dahil sa katinuan ay kanina pa ito napaaway o di kaya ay nakapatay.

Bago pa magtuloy-tuloy na magdilim ang paningin nito ay walang kisap matang pinataob n'ya ang isa pang baso ng Cape Cod . Pagkatapos ay mabilis na tinungo ang babaeng kahit isang segundo ay di nawala sa kanyang paningin. Ngali-ngali n'yang sunggaban ito at kaladkarin palabas, mabuti na lang kahit papano ay napigil n'ya pa ang kanyang sarili. Sa kasamaang palad, hindi iyon nakasapat para huwag n'yang hapitin sa bewang ang dalaga, na marahil dahil na rin sa amats, ay walang kagatol-gatol na sinakyan ang trip n'ya. Sobrang lapit nila sa isa't-isa na kahit hangin ay maiinggit sa kawalan ng espasyo at tila di pa s'ya nakuntento sa pagdidikit nila dahil kulang na lang ay ihagpos n'ya ang kanyang sarili sa kapareha. Ang magkadikit nilang katawan ay nagmistulang nagkikiskisang mga kahoy sa saliw ng nakabibinging musika at ang bawat galaw nila ay nagpaliyab sa buong lugar na kahit simpleng manunuod ay parang sinusunog sa asupre.

Iyon ang kauna-unahang all-out party ni Mika. Madalas kasi ay reserved s'ya tuwing naaaya ng mga kaibigan na gumimik. Well, at some point, it was mostly benificial because there was always someone to stay sober and look after her drop-dead-drunk friends whenever they hang out. But tonight was different. She was finally having the time of her life and whatever happens after, she'd just deal with them later.

"Hey! Why is everything going in circles?" She suddenly yelled on Ara's right ear in effort to make herself audible enough.

"What?" Unfortunately was the reply she got nevertheless, she gave it another shot.

"I said, 'I'm feeling sick!'"

"Oh shit!" Bulalas ni Ara. Nasa gitna sila ng walang katapusang daloy ng mga parokyano at ang umalis kung kelan nag-uumapaw ang dagsa ng mga ito ay tunay na magiging kalbaryo pero bahala na. Wala s'yang pakialam kung ilang laksa ng tao ang kailangan nilang salubungin basta ang mahalaga ay maging ayos ang dilag. Maingat n'yang itong inalalayan at hindi n'ya ito binitiwan kahit nakalabas na sila.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon