Chapter 40: Runaway

1.1K 28 5
                                    


Maayos na lumapag ang sinasakyang eroplano ni Mika sa John F. Kennedy International Airport sa New York. Malamig na hangin ang dumampi sa balat n'ya pagbaba, malayo sa hangin ng Pilipinas. Pagsilip n'ya sa labas ay nagkukulay kahel na ang langit at nang tingnan n'ya ang kanyang relo ay ala-5 na ng hapon. Kaya nung makuha n'ya ang maleta sa baggage reclaim area ay mabilis s'yang kumilos at nagtawag ng taxi para dumiretso sa Radisson Martinique Hotel kung saan s'ya mamamalagi ng ilang araw.

Pagdating sa nasabing hotel ay mabilis s'yang nakacheck in dahil bago pa man ay inasikaso na n'ya ang reservation online. Pagpasok sa kanyang silid ay inilapag n'ya ang dalang maleta sa kama at naghanda ng susuotin. Naisipan n'ya kasing magshower muna bago matulog. Nang makapili ng komportableng pantulog ay agad s'yang nagtungo sa cr. Sinet n'ya sa tamang temperatura ang heater saka n'ya pinihit ang knob at hinayaan ang tubig na maglandas sa kanyang katawan. Nakakagaan ng pakiramdam n'ya ang maligamgam na tubig sa kanyang balat. Para bang inaalis ang pagod n'ya sa mahabang byahe mula Manila. Matapos magbabad ng kaunti sa shower ay nagtuyo s'ya ng katawan at binalot ng roba ang sarili. Napagpasyahan n'ya munang tawagan ang mga magulang para ipaalam na maayos s'yang nakarating sa New York bago magbihis.

Nang makapagpaalam sa mga magulang ay nagsearch naman s'ya kung paano makakapunta sa Tower of Liberty, isa sa pamosong tourist spot doon at gustong-gusto n'yang mapuntahan. Tamang-tama naman na may kalapitan lang iyon sa kanyang hotel. Hindi nagtagal nagbihis na s'ya at nahiga na para matulog. Mabilis s'yang dinalaw ng antok dahil na rin hindi pa nakakapag-adjust ang body clock n'ya sa time zone ng New York.

Kinabukasan na ng alas-8 nagising si Mika. Matapos makaligo at makapagbihis, ng isang simpleng blue-and-white-vertical-striped long sleeves na tinupi n'ya ang manggas hanggang siko na pinarisan n'ya ng itim na ripped jeans, white sneakers at blue Aviator, ay dumiretso s'ya sa Martinique Café para mag-agahan. Pagdating doon, ay hindi magkamayaw ang mga kano sa paglingon sa kanya. Sa tangkad at taglay n'yang ganda ay talaga namang makatawag pansin s'ya pero ni isa ay wala s'yang binigyang pansin.

Mas itinuon n'ya ang pansin sa kamangha-manghang ambiance ng Martinique. Napaka-cozy ng athmosphere sa orange walls, intricate design ng marmol na flooring at well lighting. Bukod dun ay merong flat screen tv na pang-aliw sa mga kumakain. Pumili s'ya ng pwesto malapit sa glass window at umorder ng Late at buttermilk pancakes sa nakaabang na waiter. She took her time eating the sumptuous meal. Simple lang pero talagang nasarapan s'ya sa pancake unang kagat pa lang.

"Ehem" Takang napatunhay s'ya sa baritonong boses na umistorbo sa payapang pagkain n'ya.

"I'm sorry but I can't help notice that you're alone." A man with light green eyes met her gaze. He had a cocky side grin, prominent nose, square jaw and bristly ash hair. He was wearing a marron button up shirt paired with denim pants and brown leather shoes.

-Mika's POV-

Napataas ang kilay n'ya sa ngiting-ngiting lalaki.

So?

"Ahm... I was just wandering if you could use some company. I can tour you around." Anyaya ng lalaki habang nakalahad ang mga kamay. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito at sa totoo lang naiirita na s'ya.

"No, thanks. I've got him." Sagot ko sabay taas ng telepono ko para ipakita ang google map.

"Now would you just let me be?" Mataray na pagtataboy n'ya sa lalaki na tuluyan ng nawala ang ngiti at asar na bumalik kung saan ito nanggaling.

Men and their arrogance. Feeling heaven's gift to humanity palagi. Di yata sila nabalitaan na nagbago na ang mundo at parami ng parami ang mga kababaihan na hindi na lalaki ang tipo.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon