Chapter 26: The Tale of How She Fell

2.4K 41 44
                                    

Sometimes free fall isn't because of gravity

∞∞∞  

Hindi ko alam kung paano nag-umpisa pero bata pa lang ako alam ko nang iba ako. Growing up as a kid, I knew that I have always been attracted to girls. Never akong nagkacrush man lang sa lalaki. I've never seen them more than as a playmate or a friend back then. Hanggang sa nagkakaisip ako ay hindi pa rin nabago maski katiting ang pagtingin ko sa kanila. Maybe because I never saw myself as a woman but as a man. Mabuti na lang talaga at maswerte akong tinanggap ng buong-buo ng mga magulang ko.

Pero hindi nangangahulugan na dahil may atraksyon ako sa mga babae ay magugustuhan ko na lahat ng babaeng makikita ko. Common misconception sa mga tulad ko na kesyo makakita lang kami ng sexy at maganda sa daan ay matitipuhan na agad namin. Well, natural sa akin na magandahan at humanga sa panlabas na anyo ng mga Eba sa paligid ko. Kelan ba naman kasi naging masama na i-appreciate ang pisikal na aspeto ng ibang tao, di ba? Isa pa, hanggang dun lang naman ako.   

However, the very moment I laid my eyes on her felt as if gravity was snatched off from me. No, it wasn't anything near the sparks thing experience that I usually hear. It was something else. Something much more stronger like the world moved to a different place but I was still intact. It was as if I became bounded to her in an instant.

Para s'yang magnet na kahit saan ako tumingin ay mahihila at mahihila ang atensyon ko sa kanya. Ewan ko ba. Totoo nga siguro 'yung mga kwento tungkol dun sa batang may pakpak at nakadiaper pero may hawak na pana at palaso na tinatawag nilang Kupido, dahil kung hindi, ano't paggising ko na lang isang araw iba na 'yung pagtingin ko sa kanya? O siguro hindi ko lang napansin na nahuhulog na pala ako sa tuwing tinotoyo s'ya pag meron s'yang dalaw.

***

Maaga pa ang gabi pero tahimik na sa Concepcion palibhasa ang lahat ay nasa kani-kanila nang mga kwarto at pawang mga abala sa kanya-kanya nilang acad duties.

"Aaaah...ayoko na. Ipapatanggal ko na talaga ang matres ko. Ang sakit ng puson ko huhu." Nagulantang ang roommates ni Shiela na sina dahil sa biglaang ibinulalas nito habang namimilipit sa sakit sa kama.

"Malala ka na Bang. Hahaha." Pang-aasar ni Kim na gumagawa ng assignment n'ya sa Differential Equations o DE. Natatawa na lang s'ya dahil iinaatake na naman ng matinding dysmenorrhea 'yung isa. Sa totoo lang, medyo nakakasanayan na nilang magdodormmates ang mga pabigla-bigla nitong outburst kahit papano. Sa tuwi kasing time of the month nito ay sumasabay ang sapak nito sa ulo. Mabuti na lang humuhupa din iyon pagkatapos ng dalawang araw— sa first two days lang inaatake ng dysmenorrhea ang dalaga— dahil kung hindi baka magkaubusan sila ng pasensya buwan-buwan.

"Sa masakit eh waahhh. Bakit kayo hindi nagkakaganito tuwing meron? Unfair huhubells." Patuloy na pagngawa nito sa kanyang dalawang roommates. Lalo lang s'yang tinawanan ni Kim habang si Ara, na abala sa paggawa ng paper nito sa napiling GE na INTFILO o Introduction to Philosophy ,ay nailing na lang.

Hay naku tingnan mo 'tong babae na 'to. Buti pa kami ni Kim may nagagawang kapaki-pakinabang at nag-aacads hindi katulad nitong si Bang na nag-iingay lang. Kunsabagay ano pa nga bang bago? Tamad-tamaran talaga s'ya tuwing meron s'ya. Paano, mas inuuna n'ya pa 'yung sakit ng puson n'ya. Hindi ko tuloy alam kung maawa, matatawa o ano ako sa kanya. Minsa nga nagdadalawang isip na ako kung babae ba talaga s'ya.

"Maghot compress ka kasi." Payo ko sa kanya . Madalas kong sabihin iyon sa tuwing inaatake s'ya ng saltik. Hindi ko na nga n'ya mabilang kung ilang beses ko nang nasabi pero dahil matigas at kalahati ang ulo n'ya, isang beses lang n'yang sinunod. Pagkatapos nun hindi na naulit pa.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon