Chapter 38: Past and Present

2K 58 27
                                    

WARNING!!! This particular chapter contains mature scenes not suitable for those 18 and below. This is also not advisable to immature, close-minded people. If you can't bare such fictious and imaginative scenes, I suggest you refrain from reading in the first place. That's all. Thank you and let us all respect one another.

-Crazy Slacker

__________________________

-Ara's POV-

Tahimik na inihatid ko ng tingin ang papalayong likod n'ya. Hindi man lang s'ya nag-agahan bago umalis.

"Bakit di mo sundan?" Mabilis akong napalingon sa nagsalita sa tabi ko. Si Mikole. Somehow as she gets older, she's getting more and more similar features with her sister. Sa halip na sagutin ay ginulo ko lang ang buhok n'ya. Mana s'ya sa ate n'ya, matalino. Manhid nga lang.

...

"Ate Ara kelan mo magiging girlfriend si ate?" Out of the blue na tanong nitong si Mikole sa gitna ng pagdadrive ko. Madalas kasing ako ang maghatid sa kanila. Pasalamat na lang kami hindi ako magugulatin at baka naapakan ko ng wala sa oras ang preno. Mamaya madisgrasya pa kami sa biglaang pagtigil sa gitna ng kalsada.

"Kaya nga ate Ara. Kelan ka ba namin magiging ate na talaga?" Pagsali ni Miko sa usapan na dumukwang mula sa back seat. S'ya ang madalas sa likod dahil mas trip ni Mikole sa shotgun. Pareho talaga nilang trip pero dahil no one messes with my princess, walang choice si Miko kundi magtiis sa likod. Well, di naman s'ya masyadong mabuburyo dun kasi palagi kong pinapahiram ang iPad ko sa kanya. Hanggang sa kanta kasi ay nagtatalo ang dalawa at dahil si Mikole ang prinsesa, kailangan magkompromiso. Aminado akong spoiled sa akin ang bunso ng mga Reyes. Siguro dahil ako ang bunso sa amin at hindi ko naranasan kung paano mag-alaga ng kapatid, kay Mikole ko nabuhos ang lahat.

"Hmm... bakit gusto n'yo na ba?"

"Syempre." Sabay pa nilang sabi.

"Malapit na." Sagot n'ya na nakasisiguro. Kung ano man ang plano n'ya para makatiyak na walang kawala si Mika ay s'ya lang ang nakakaalam.

"Talaga ate Ara? Kelan? Excited na ako. Magkakaroon kami ng isa pang ate tapos parang kuya pa. Astig 'yun di ba kuya Miko?"

"Hmm. Sobra. Tapos saksakan pa ng pogi."

"Oh tama na. Binobola n'yo na ako nyan." Natatawang saway n'ya sa mga bata.

"Totoo kaya ate Ara. Sa'yo ang boto namin."

"Oo nga Ate Ara. Aalagan mo naman si ate di ba?" Somehow, her question tugged at my chest. The pureness of her innocence always brings warmth into my heart.

"Pangako." I replied with great resolve and I know that by the time I uttered that promise, I will fulfill it until my dying breath.

"Pero guys handa na ba talaga kayong maging girlfriend ko ang ate n'yo kung saka-sakali?" Walang anu-ano'y naitanong ko total binuksan na din naman nila 'yung topic. Sa totoo lang lubos ko silang ipinagmamalaki sa lawak ng pang-unawa nila, na sa kabila ng pagiging iba ko sa karaniwan ay tahasan nilang ipinapahayag ang pagsuporta nila sa akin para sa kanilang ate. Pero syempre, hindi pa rin maikakaila na hindi 'yun magiging ganun kasimple. Masalimuot ang buhay ng mga tulad ko at hindi man namin gustuhin, madadamay at madadamay ang mga taong malalapit sa amin sa mga issue namin sa lipunan.

"Opo naman." Si Miko ang sumagot.

"Eh paano kung asarin kayo ng friends n'yo dahil sa akin?" Pagkakuway tanong ko. Ayoko man kasing isipin, pero alam kong malaki ang posibilidad na maging tampulan sila ng panunukso dahil sa akin.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon