Chapter 36: Endings are New Beginnings Too

1.6K 42 11
                                    

Sabado ng umaga, ganap na alas-9:30 ay may tumigil na itim na sasakyan di kalayuan sa tahanan ng mga Reyes. Tinted ang sasakyan kaya hindi maaninag ninuman ang lulan niyon. Kumikinang ito sa tama ng liwanag ng sikat ng araw kaya pansin na pansin. Idagdag pang hindi mga ganung klase ng mga sasakyan ang pangkaraniwang nakikita ng mga taga-roon.

-Ara's POV-

Shit! Shit! Shit!

Humigpit ang hawak n'ya sa manibela sa kinasasadlakan n'yang suliranin. Kanina pa kasi s'ya nag-iisip ng magandang sasabihin para ipaalam kina Miguel at Baby na susunduin n'ya si Mika dahil ngayon ang graduation celebration sa bahay nila.

Idinukdok ko ang ulo ko sa manibela at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Bakit ng aba hindi ko agad naisip na hindi ganun kasimple 'tong plano ko. Shit talaga. Baka makita pa lang ni Mr. Reyes ang anino ko, paulanan na agad n'ya ako ng bala o di kaya ay habulin ng itak.

She grimaced at her own thoughts especially when the scenario just played on her mind. Her exaggerated and ferocious mind couldn't think twice that the Reyes' might probably be mad at her right now. In the first place, Mika might be the first one to avoid her; however, she couldn't help think about what she had done that urged the other lady to do so. She had a lot of questions that can only be answered by the latter which made her uneasy and jittery. Sa totoo lang, ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib n'ya sa takot na baka gustong-gusto na s'ya ipasalvage ni Miguel o kaya ng kuya nito na hindi pa n'ya nakikilala ng personal.

Hindi ako paladasal na tao pero handa akong manikluhod sa Quiapo ora-orada basta maging maayos lang ang pagpunta ko rito.

Gamit ang lahat ng lakas ng loob na naipon ko ay lumabas ako ng QD at naglakad papunta sa gate nila. Magdodorbell na sana ako nang bigla na naman akong dinaga. Puta! Para akong tangang paroo't-parito sa tapat ng bahay nila. Buti na lang at matinong damit ang naisuot ko kundi baka kanina pa ako na-Barangay dahil muka akong miyembro ng akyta-bahay na aali-aligid.

Tatlong paroo't parito, isang buntong hininga at kulang-kulang isang minuto pa ang inabot bago ako nagka-lakas ng loob na kailangan ko. Tangina walang mangyayari sa akin kung matatakot lang ako ng matatakot dito. Nanginginig pa ako habang inaabot ko ang doorbell pero bago pa lumapat ang dulo ng daliri ko sa mismong buton ay may boses na tumawag sa akin dahilan para matigilan ako.

"Ara?" Tila nagsisinong tanong ng isang malumanay na tinig.

Shit! I literally froze on the spot upon hearing the voice of Mrs. Reyes. Para akong nahuli sa akto mismo ng paggawa ng isang krimen. Pagkakataon nga naman. Wala akong pagpipilian, mula sa pagkakatalikod ay paunti-unti akong humarap sa kanya.

"Good morning po." Damn it, Victonara. Act normal.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? Halika pasok."

"Tulungan ko na po kayo." Maagap na sabi n'ya dahil marami-rami ang dala ng may-bahay. Sa nahihinu-hinuha n'ya ay namalengke ito.

"Hindi na hija. Mabigat ang mga 'yan." Mabilis na pigil sa kanya nito pero hindi s'ya sumunod. Mas nangingibabaw kasi ang kagustuhan n'yang matulungan ito.

"Kaya ko po 'yan." Sabi n'ya at mabilis na kinuha ang isang pinamili nitong supot ng mga gulay. Medyo mabigat nga 'yun pero dahil macho s'ya at paminsan-minsan ay nakakapag-gym, syempre walang kahirap-hirap n'yang nabuhat iyon.

"Sigurado ka ba hija? Mabigat iyan." Alalang sabi ng ginang.

"Kayang-kaya po."

"Ay sya salamat. Saglit at ipagbubukas kita ng pinto." Mabilis na nagpatiuna ang maybahay at binuksan ang screen para sa dilag. Pagkatapos ay sumunod sa kusina si Ara para dun ibaba at ayusin ang mga pinamili nito.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon