Chapter 42

12.1K 135 84
  • Dedicated kay To all the transplant donors
                                    

Chapter 42

Please play the music video on your right screen. Thank you.

This chapter is dedicated to all my loyal KSG Readers.

   

   "We have found a donor for your wife, Mr. Wu!" anunsyo ng cardiovascular surgeon. "We are going to start prepping her."

   "Oh my God, thank you so much for this miracle!" naiiyak na bulalas ni Andy. Napasubsob ang ulo nito sa dingding at saka napahagulgol sa tindi ng emosyong nararamdaman.

   Lord, promised lalo kong ipaparamdam kay Jade ang pagmamahal ko, makaligtas lang siya sa operation na ito. Please po huwag ninyong pababayaan alang-alang sa anak naming si Kian. Kailan pa ni Kian ng inang mag-aaruga sa kanya. At hindi ko kakayaning mabuhay ng wala si Jade sa tabi ko. 

   

   Flashback

   Bumalik lahat sa alaala ni Andy nang una niyang nakita si Jade sa labas ng hotel kung saan siya guest of honor sa Christmas party. Kung paano siya nabighani sa kagandahan nito. Hindi na niya pinakawalan ito, sinuyo niya hanggang sa sagutin siya pagkatapos ng anim na buwang pagtitiis. Halos araw-araw ay sinusundo at hinahatid niya ito sa trabaho.

   Naalala din niya  ang sakit ng loob na dinanas niya noong unang umalis ito papuntang New York...

  "Jade, buong buhay ko ngayon lang ako nagmahal ng ganito katindi. Marami na akong naka-relasyon pero never na naramdaman ko ang ganitong klaseng pagmamahal. Kakayanin kong magtiis huwag ka lang mawala sa buhay ko. So pumapayag na ako pero mangako ka sa akin, pagkaraan ng isang taon sa America ay babalik ka dito para magpakasal tayo." "Oh Andy, thank you for understanding," napaluha siya sa tindi ng emosyon na gustong humulagpos. Napayakap siya sa nobyo ng mahigpit. "I love you so much, Jade it hurts like hell," usal nito habang nakayakap sa kanya."I love you, too Andy"  halos pabulong niyang sambit.

   Naalala niya ang mga lambingan nila ni Jade...

    "Andy, walang magagawa ang iba diyan dahil ikaw lang ang mahal ko. Teka nga, diyan ba walang humahabol sa iyo?" Kung mayroon man, hindi nila ako mahahabol. Matagal mo na akong nabihag, Jade." "Hmp, sigurado ka ha? Baka mamaya diyan mabalitaan ko na lang may babae ka diyan," lambing niya sa katipan. "Sweetheart, imposibleng mangyari iyon. You are my one and only love. The love of my life, the reason for my existence. I think about you constantly, whether it's with my mind or my heart that there's no more room for anyone but you," seryosong sabi niya kay Jade.

   "I love you so much, Andy." 

   "I'm in love with you more, sweetheart. Every time I think about about you, I feel warm inside," patuloy nito sa masuyong boses.

   "Gusto mo yata akong paiyakin," garagal niyang sabi.

   "Iyan ang bagay na ayaw kong mangyari ang paiyakin ka. Ako na muna ang masasaktan bago ikaw," sabi ni Andy.

   Naalala niya ang tagpo sa airport...

    "Sweetheart, did you hear the saying, "if the mountain won't come to Muhammad then Muhammad must go to the mountain?" nakangiti nitong wika.

   "Ganoon? I love you so much, Andy," masaya niyang sabi sabay yakap muli ng mahigpit sa nobyo.

   "I love you more than you know, Jade. Lahat ay gagawin ko para sa iyo, para sa relationship natin," seryoso ang mga tinging ibinigay nito sa kanya.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon