Previous Page of 4Next Page

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)

Dedicated to
Celica Sheilane Quitel and renzalvage08
spinner.gif

Chapter 21

   "Jade?" nagising si Andy na wala sa tabi niya ang asawa. First time niyang nakatulog ng mahimbing mula nang makunan si Jade. Dati rati'y kahit gaano siya kapagod ay hindi siya makatulog ng maayos. Sa tuwina'y inaalala ang kalagayan ng asawa.

   "Jade?" tawag niyang muli, this time ay medyo nilakasan na niya ang boses. 

   Wala pa ring sagot sa tawag niya. Nagmamadali siyang nagbihis ng robe at saka bumaba ng hagdanan.

   "Jade, Sweetheart?"

   "Andy, nasa kusina ako" sagot ni Jade.

   Naabutan ni Andy sa kusina ang asawang nagluluto ng almusal katulong si Aling Salud.

   "Good morning, Sweetheart" nakangiting bati ni Jade habang nilalagay omelette na niluto sa bandihado.

   Rumihistro sa mukha ni Andy ang pagkabigla. Ngayon lang niya muling nakita ang sigla ni Jade mula nang makunan ito sa New York.

   "Sir Andy, sorry po. Gusto raw kasi ni Ma'am magluto para sa inyo," nagmamadaling nagpaliwanag ang matanda sa takot na baka magalit ang amo.

   "Aling Salud, masaya po akong ipagluto ang asawa ko," simpleng sabi ni Jade.

   "Jade, baka mapagod ka," nag-aalalang sabi ni Andy.

   "Andy, I'm enjoying this. At saka gusto kong pagsilbihan ka naman," giit nito. "Tara na, ready na ang breakfast natin."

   Nakahain ang vegetable omelette, hotdog, ham, salami, cheese at sliced bread sa lamesa.

   "Hmm, mukhang masarap ang mga niluto ng asawa ko ha," puri ni Andy.

   "Ano ka ba, puro prito lang ang ginawa ko," natatawang wika ni Jade.

   "Masarap pa rin sigurado dahil niluto ng pinakamaganda kong misis," patuloy na pagpuri ni Andy habang nilalagyan ng mga pagkain ang plato ni Jade.

   "Thank you, Sweetheart" masayang sabi ni Jade.

   Masaya nilang pinagsaluhan ang umagahan. Maya-maya'y sinusubuan ni Jade si Andy na kinatuwa naman ng huli.

   "Teka lang baka tumaba naman ako niyan. Panay ang subo mo," kunwari ay reklamo ni Andy.

   "Mr. Wu, never kang tataba noh!  Araw-araw ka yatang nasa gym," tanggi niya.

   "I love you, Sweetheart," nanggigigil na sabi nito kay Jade.

   "And I love you back, Andy."

   Pagkaraan ng dalawang buwan mula nang dumating sila sa Jade's Island. Kasalukuyang nag-aayos ng mga papeles si Jade na gagamitin niya sa pag-apply ng trabaho sa hospital na papasukan.

   "Ma'am Jade, may tawag po sa inyong long distance," putol ni Amy, ang bago nilang katulong habang inaabot ang telepono.

   "Hello, Tita!" boses ng bestfriend niya.

   "Lucille!!! Kumusta ka na?" napasigaw siya sa tuwa.

   "Ito, namimiss na kita. Wala na akong kakulitan dito. Ikaw?"

   "I'm okay. With Andy's help I was able to cope with my misery."

   "Hay, ang suwerte mo talaga sa asawa mo. Masyado kang mahal, ako kaya may mahahanap pang pareho ni Andy. Nag-iisa na lang yata iyan sa planeta natin. Kung pumunta kaya ako sa Mars osa buwan may makikita kaya ako?" nangangarap na wika nito.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (60)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Xian Limas Andy Wu
Kim Chiuas Jade Dimagiba
Maja Salvadoras Lucille
????as Luke

Who's Reading

Recommended