Chapter 6

21.7K 93 59
  • Dedicated kay Armie Cudia and Ningning Batino
                                    

Chapter 6








   "Halika sa kusina, mag-breakfast ka muna sabayan mo na kaming kumain si Jade," narinig niyang sabi ni Lucille.
   "Thank you, Lucille. Sorry kung nakaistorbo ako sa inyo ni Jade. Gusto ko lang kasing idaan itong mga pasalubong ko sa inyo bago masira," nahihiyang sabi ni Seth. Matagal na itong manliligaw ni Lucille. Kababalik lang nito galing ng Pilipinas para magbakasyon. Nagtratrabaho ito bilang nurse sa Queen's Hospital. Nang minsang tanungin ni Jade kung bakit hindi pa nito sinasagot ang lalaki ay humagikgik ng pilya ang kaibigan niya at sinabing nagpapa-hard to get lang naman raw siya. Kitang-kita naman kasi na may pagtingin din si Lucille kay Seth.

   "Hi Seth, kain ka," anyaya ni Jade sa mahiyaing bisita. Maamo ang mukha nito, medyo alon-alon ang maitim na buhok. Medyo kinulang ito sa height, matangkad lang ito ng dalawang pulgada kay Lucille pero maliksi kung kumilos.

   "Thank you, Jade. May dala akong pasalubong galing sa Laguna," inilapag nito ang paper bag sa lamesa.

   "Wow, ano ba iyan?" excited na tanong ni Lucille habang binubuklat ang bag. Inilabas nito ang sari-saring klaseng mga tarts, special uraro at toronnes de mani, pinipig at cashew.

   "Mukhang masarap lahat," nakangiting sabi ni Jade.

   "Paborito kasi ni Lucille lahat iyan," kimi nitong wika.

   "Ang sweet mo naman, Seth!" bulalas ni Lucille sabay hampas sa balikat ng nahihiyang lalaki.

   Nang biglang tumunog uli ang door bell.

   "Sino na naman kaya iyan?" naguguluhang sambit ni Lucille. "Maiwan ko muna kayo dito at baka lottery official naman ang bisita natin na may dalang suwerte," natatawa nitong sabi sa dalawa.

   "OMG, Jade parito ka dali," tili nito mula sa may pintuan.

   Nagmamadaling sumunod si Jade at Seth para alamin kung bakit nagsisigaw si Lucille. Nadatnan nilang halos hindi na makita ang mukha nito sa dami ng mga naggagandahang bulaklak na hawak nito. 

   "Jade, paki-receive nga sa delivery guy, nag-aantay sa pintuan.  Hindi ako makapirma sa dami nitong mga bulaklak para sa iyo."

   "Para sa akin lahat iyan?" nagtatakang tanong niya habang pinipirmahan ang papel na inabot ng delivery guy.

   "Alangan namang sa akin. Wala namang nagbibigay ng bulaklak sa akin," nakaismid nitong reklamo. 

   Namula si Seth sa sinabi ng nililigawan. "Mahilig ka pala sa flowers, Lucille," mahina nitong sabi.

   "Naku Seth, don't worry mas mahilig iyan sa pagkain," dinaan ni Jade sa biro para hindi magmukhang kawawa si Seth sa harap ng kaibigan.

   "Dali na, Jade buksan mo na ang card para malaman natin kung kaynino galing. Mukhang napakamahal ng ginastos sa mga bulaklak," excited na inabot kay Jade ang card.

   Kinakabahan siya habang binubuksan ang card. Nakatanghod naman si Lucille sa may balikat niya.

   

   To the only woman I'm destined to love forever, the only one who can make me feel complete in my lifetime.

   I love you so much, 

   Andy

   Naramdaman na lang ni Jade na hilam na ng luha ang mga mata niya. Kinuha niya ang mga bulaklak sa kaibigan at niyakap.

   "Tita, ang sweet sweet naman ng boyfriend mo," kinikilig na tukso nito. "Dahan-dahan ang yakap sayang ang mga flowers," dugtong nito.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon