Chapter 38

13.5K 129 49
  • Dedicated kay Melanie Manalo and Mariloy Nabizaga
                                    

Chapter 38

Author's Note:  Please play the music video on your right screen later in this chapter. I will let you know when the right time comes.

   "Andy, I think we should start planning Kian's baptism. Four months old na ang baby natin," sabi ni Jade habang kumakain sila ng hapunan. Ayaw kasi nitong pabinyagan ng maaga ang baby nila sa takot na baka raw magkasakit ito dahil sa dami ng bisitang dadalo sa binyag.

   "I guess pwede na nga, hindi na siguro delikado," may kaunting alinlangan pa rin ang tono ng boses nito.

   "Sweetheart naman, ang dami-daming mas bata pa kay Kian ang binibinyagan hindi naman nagkakasakit. Overprotective ka naman masyado sa anak natin," tudyo ni Jade sa asawa.

   "Sweetheart, iba ang anak ko," tanggi nito.

   "Hay naku, Andy. Anong nangyari sa iyo? Pagdating kay Kian nagiging praning ka na!" natatawang biro ni Jade.

   "Bayaan mo ako, Sweetheart," simple nitong sagot.

   "So anong gusto mo sa binyag? Saang church, kailan at saan ang reception?"

   "I'll tell my secretary to book the baptism at Christ the King Parish Church in Green Meadows then we can have the reception here para pwedeng ipanik agad si Kian pagnapagod. We can hire a caterer. What do you think, Sweetheart?"

   "Okay na sa akin iyon," sang-ayon ni Jade.

   "Ano nga palang plano nila Luke at Lucille sa binyag ni Sam?"

   "Gusto na rin nilang pabinyagan si Baby Sam. Isabay na kaya natin. Tatanungin ko kung gusto nila."

   "Pwede. Tanungin mo kung okay lang na dito ang reception sa bahay natin."

   "Palagay ko walang problema sa dalawa iyon. I'll call Lucille pagkatapos nating kumain," sabi ni Jade.

   "Excuse me Sir, Ma'am" sabad ni Gina.

   "Ano iyon, Gina?" tanong ni Andy sa katulong.

   "Umiiyak po si Kian kanina pa, ayaw pong tumahan," sabi nito.

   Akmang tatayo si Jade para puntahan ang anak nang pigilan siya ni Andy.

   "Sweetheart, ako na ang aakyat. Ituloy mo ang pagkain mo."

   "Busog na rin ako," tanggi niya.

   "Aakyatin ko muna ang baby natin. Naglalambing lang siguro iyon," nakangiting sabi ni Andy.

   "Nasanay kasing karga parati," naiiling na sabi niya.

   "Hello Ate Jade, Kuya Andy," bati ni Julia na kararating lang mula sa trabaho.

   "Hi Julia!" ganting-bati ni Andy saka ito nagmamadaling pumanik sa hagdanan.

   "Kumain ka na, Julia," yaya ni Jade sa kapatid.

   "Bakit nagmamadali si Kuya Andy?" nagtataka nitong tanong.

   "Pupuntahan si Kian, ayaw raw tumigil sa kakaiyak."

   "Si Kuya talaga pagdating sa baby ninyo nagkakandarapa," napa pangiting sabi ni Julia.

   "Oo nga. Julia, mauna na ako sa iyo. Kumain ka ng mabuti at mukhang nangangayayat ka. Tatawagan ko pa si Lucille."

   "Sige, Ate Jade."

   "Hello, Tita! Mabuti at napatawag ka, nabasa mo yata ang ang isip ko. May mental connection talaga tayo, bestfriend," wika ni Lucille.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon